Si Adonis Mapagmahal
Ang Kwentong hango sa halos tunay na buhay
Wednesday, July 28, 2010
Saturday, May 15, 2010
Wednesday, May 12, 2010
Si Adonis Mapagmahal ni Daniel Dale Gamilla
Prologo:
Sa maliit na bahagi ng isa sa malaking lunsod na tinatawag na maynila namuo ang isang istorya ng pag-ibig pagkabigo trahedya at komedya na nanuot sa kaibuturan ng puso ng dalawang nagiibigan sa bawal na pag ibig at pagsubok at hinde makatwirang dagok ng tadhana. “Magkaiba ang mundo natin adonis… sorry… hindi ko sinasadya” marahang sambit ng dalaga na halos pakubang nakayuko at di na matanaw ang mukha dahil natatakpan ng kanyang mahabang buhok sabay sakay sa puting mitsubishi lancer na kotse at mabilis na umalis, naiwang durog ang puso ni adonis noong araw na iyon malungkot na naglakad sinisipa ang bawat madaanan walang mapagbalingan. (*B/M Parting Time by: Rockstar) Maganda ang sikat ng araw ng huwebes ng umaga sa kalsada na pawang nagbanggaan ng biglang dumilim ang langit na pawang nagdadalamhati sa sugatang puso ng binata at biglang umulan.
"Hinde ganun kadaling palitan ang tunay na pag-ibig, gaya ng pagpapalit ko ng brip" - Adonis Mapagmahal
Ito ang istorya ng buhay, pag ibig at pagkabigo ng isang lalaking nag ngangalang adonis na nakatira sa isang maliit na compound sa isang barangay ng sampaloc na pinapagitnaan ng dalawang kalsada na pawang nagbanggaan, sa tapat ng tindahan ni mang johnny na may asawa na si aling natty na may babaeng katulong / yaya ng dalawang nyang apo na may kasintahang tricycle driver na kababata ni adonis na dating kalaro nya sa jolens at piko kasama ng tatlo nyang kapatid na babae na nakatira sa kabilang kalsada na anak ng tindera ng pandisal na si aling nene.
“Tangna Auring sunog na naman ang sinaeng!?...”At si Auring ang mala-anghel sa lupa nakatira sa isang malaking bungalow na napapaligiran ng malarehas na bakod na puno ng namumukadkarang bonggang-villa sa kabilang kalsada na kabitbahay ng dancer na si jopay na dating kasintahan ng silahis na si bogard na kapatid ni Stacy na dating inibig ni adonis na napitisyon sa amerika kung saan doon na nag-aral at nanirahan ng tuluyan.
Si Auring ay pinalaki sa kalagitnaan ng karanyaan at kapangyarihan na tinatawag na estado ng pamumuhay. ang babaeng nagpatibok muli ng puso ni adonis na hinde na kamo tumitibok dahil sa isang katutak na kabiguan sa pag-ibig at si auring ang babaeng nagbago sa pananaw ni adonis sa salitang “mahal” at sa salitang walang kupas ang“pangako”.
Ikaw na ang humusga sa kung sino ang dapat managot sa kabaliwang hatid ng aking napiling tauhan ikaw na rin ang bahalang bumuo ng kongklusyon sa bersikulo ng buhay ng napili kong trahedya.
Tsapter 1: In the Beginning there is light (sa loob ng umpisa ay meron liwanag)
Sa maliit na bahagi ng malaking lungsod ng maynila nakatira si adonis sa maliit na compound sa isang barangay na pinapagitnaan ng dalawang kalsada na animoy hinde natutulog; may tricycle terminal para sa mga colorum at walang pambayad sa prankisa, mga driver na nag-kukwentuhan, nag uusap tungkol sa porkas ng karera, ang iba naman ay abalang abala sa pag lilinis ng tricycle nila at pagbibilang ng kinita nila sa pasada, Bawat kanto ay kumikita, may nagtitinda ng almusal sa umaga at pagkaing mainam at mura sa karinderya ni rak-rak na may tricycle driver na asawang si kamote, at may anak na makulit na si bonsai na parating kalaro ni Panday na pamangkin ni adonis na anak ng pinsan nitong si Melanie na pinsan ni adonis na nanay ni Panday(*sige ulitin natin… tongue twister ito), merienda sa hapon ni Manang Lusia na lola ni Nog-Nog na kapatid ni Benji na kapatid ni Tonio na isang messenger sa isang malaking kompanya sa ayala makati, mga chismosa na naglalaro ng tong-its habang ang mga anak nila ay walang sawang naglalaro sa gitna ng kalasada, sa kaliwa ay may poste ng meralco na mas matanda pa sa mga matatandang golden girls and guys na nag i-i-aerobics tuwing umaga, ang posteng na halos ilang henerasyon na nakatayo at ngayoy nakatabingi na pawang handa upang yumuko at bumitiw sa pundasyon na kanyang kinatatayuan, nakalundo na ang animoy spider web na kable ng kuryente, cable, linya ng telepono at jumper ng unli-power ng mga kapitbahay na ilang beses na na re-raid ng meralco ngunit nagpapatuloy pa din ang masaganang handog ng libreng kuryente sa barangay, sa ilalim ay may mga batang tumatae sa kanal habang ang ibang mga bata ay walang humpay nag wiwisikan ng tubig kanal, sa bandang gitna ng kalsada ay may mga dumadaang truck, tricycle at motorsiklo na pinipilit mag menor upang iniiwasan ang mga aso, tao at taeng nag kalat, mawawala ba naman ang kakaibang basketball court ng barangay na nakahambalang sa daan at ang mga pa-star player ng baragay na walang sawa sa paglalaro ng basketball na di alintana ang rumaragasang mga sasakyan basta lamang maibsan ang tawag ng laman (ang bola).
Sa gabi ang buhay ng barangay sa gitna ng dalawang kalsada na pawang nagbanggaan; ayan at umiinom na naman si Bong ang asawa ni Leng-Leng na may kaibigang bading na binorga ni Raul na kapitbahay ni Andrew kapatid ni Philip na boypren ni masochista na si Aizel na tropa ng magkakabarkadang si Rien, Empoy, Michael, Ikoy, Robin na pinsan buo ni Adonis at Batik na kaibigan ni adonis na tulog sa umaga gising at sa gabi.
Nakasindi lahat ang libreng ilaw sa bawat tirahan at dim-light naman ang sa mga tabinging poste na tanging naka-mulagat sa malamig na gabi ng barangay, may nagtitinda ng balot at penoy sa kanto at mga nagiinuman sa kalsada, bilog ang buwan kaya siguro kumakanta na naman ng “my way” (by: Frank Senatra)”si Mang Totoy na kapit bahay ng kumpare nyang si Mang Balweg na may dalawang anak na lalaki na si Walter at Weng Weng na pinsan nila Apple ang conservative na Atenistang ate ni Kristalla at si kristalla ang Crush ng campus (*Ms. Campus) na nag-aaral ng management sa isang eskwelahan sa morayta na kung saan nag aaral din si Adonis ng FineArts, at ka-batch ng binata, malamig ang simoy ng hangin sa maynila noong gabing iyon dinig na dinig ang tinig ni mang totoy habang umiinum ng tinagay na lapad at pasubo-subo ng pulutang dining-ding ni Aling Karling na pilit tinatakpan ang tenga dahil sa lakas ng videoke na nakatutok sa kanyang karindirya na halos mayanig. Maliwanag ang buwan malinaw ang gabi walang ulap, milyon milyong mga bitun ang nagpakita sa medyo madilim na parte ng maynila buti nalang ay may buwan at langit na nagsisilbing ilawan ng magtotropang Balolong ang happy go-lucky na emo*ng (*Emotional genre ng mga emotero) kaibigang matalik ni adonis bunsong anak na kapatid ni Bong Bong at Beng Beng na anak ni Mang Bobot at Aling Bang Bang na nakatira sa kabilang kanto at si Batik(…nevermind ) kasama si adonis na walang magawa nang gabing iyon kundi ang tumambay sa kanto kung saan matatagpuan ang isang mahabang upuan na tambayan ng mga may insomia at laging gising at walang magawa sa buhay kundi ang tumambay. Malamig ang gabi at walang magagawa kundi titigan ang mga dumadaang aso at tao partikular ang mga chix na napapadaan sa kanilang harapan, ang chiks na tinagurian nilang mga batang hamog (*mga babaeng sumisinghot ng hamog).
Nabagot ng sobra ang magtotropa at naisipang mag internet nalang sa computer shop sa g.tuazon, ang AISTERU* (sabi ng mayari yun daw ang tamang spelling ng aishiteru* so mali ang mga hapon at tama ang may-ari ng shop... oo nalang ako )na binabantayan ni Ervin ang kapitapitagang computer genius ng tropa na isa sa mga malapit na kaibigan ni adonis ayun nga at sila ay tumuloy sa computer shop upang magsimulang magtangal ng bagot “ervin may pwesto ba?” tanong ng tatlo na pawang sabik na sabik sa paghawak ng keyboard “huh…tungo…hmmm*” tanging hand gesture at lip gesture lang ang sagot ng bantay, tungo at labi lang ang pinanapagalaw upang ituro ang mga bakanteng pwesto sa kompyuteran (*hinde sya pipi talagang ayaw nya lang magsalita dahil ayaw nya paistorbo sa ginagawa nya) alam nilang wala na sila mapapalang matinong sagot sa bantay ng shop kaya sila nalang ang humatak ng upuan at nagbukas ng kanya kanyang P.C at nagsimulang mag internet (yahoo…) sa pagbukas si adonis ng kanyang yahoo mail ay meron syang e-mail na ilang buwan ng nag hihintay sa kanyang muling pag o-on-line, *bubble thought*(napag-isip sa kanyang sarili si adonis*) “hmmm kanino kaya nanggaling to…” Click* (*tunog ng left cliker ng mouse) To: Benignoramos A. Mapagmahal--- Subject: Hi Adonis--- From: ANONYMOUS Sender--- napag isip muli sa kanyang sarili si Adonis *bubble thought ulit* (*muling kinausap ang sarili) “hmmm…hmmm…” napag isip ng matagal ang binata “hmmm sino si Anonimus?” Click* (*hala…) at binuksan ang kanyang e-mail at binasa ang laman.
To: Benignoramos A. Mapagmahal
Subject: Hi Adonis
From: ANONYMOUS Sender
Hi Adonis
Its me Stacy remember me? I hope yer in great condition reading this message… hows sampaloc? Its been so long time… I miss sampaloc and I want to go home na sigh : ( I miss you all guys on next summer ill be coming home to sampaloc to spend my summer vacation … Adonis im looking forward on yer reply. : ) … by the way hows my dog? I hope his fine and dundy… I wish to hear him bark again :D winks*
Miss yah mwah!
Stacy
Natapos basahin ni Adonis ang maiksing mensahe ni Stacy kasabay ng isang malalim na buntong hininga *sigh (buntong hininga*) muling napag isip ng matagal at muli pa ay kinausap ang sarili, *bubble thought ulit *“anu daw sabi nya?” (nose bleed ang igno) at nag reply ang Adonis kay Anonymous? Click*
To: Anonynous sender
Subject: Pilipino ka! Tagalugin mo naman
From: Benignoramos A. Mapagmahal
Stacy
Im just fine and so we are here … its not already summer here its only October so go home here at April so its summer … i hope your fine also
Your dog is so fine now… his in heaven after your Uncle Leo make him adobo coz his so magalis… don’t worry his fine and silent now.
Miss you also
Adonis
(*taray ng igno diba?!... ) Send Click*
Makalipas ang Ilang oras na pag iisip at milyon-milyong brain cells na nasunog sa pag comprehend at ilang milyon pang braincells at gallon-galon na dugo na umagos sa ilong nya para sa pasagot-mensahe ng binata… ayos na rin ang buto buto.
ilang oras pa namalagi ang magtotropa sa shop ng makaramdam ng antok si adonis at nagsimula ng magpatugtog si ervin ng paburito nitong mga walang kamatayang lovesongs na pang linggo*(*matudnila, inday-inday, kastilyong buhangin,april boys atbp.) tumingin sa nakasabit na relo sa halige ang binata, “Alas tres na pala *yawn” (*English ng hikab) log-out sa friendster Click* log-out na din sa facebook Click*sabay ang tatlo na tumayo, nagbigay ng bayad at nag mamadali palabas ng shop. Pahakbang pa lang sa pintuan ng shop at di pa man nakaka limang hakbang ang tatlo ng biglang may sumigaw ng malakas, at itoy nagmumula sa counter kung saan nakapwesto si Ervin “Tang-inaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaH! !! Kulaaaang Binayaaaad nyooo Mga Hudyoooo!!!” nang marinig ang malakas na boses na iyon ay mabilis na umiskapo ang tatlo. “Takboooo!”
Umaga tumitilaok na ang mga manok ni Mang Nestor na sabungero na pawang nang-gigising. Maganda ang pag sikat ng araw sa bandang silangan damang dama pa ang hamog ng Maynila dulot ng init ng pasikat na araw at lamig ng nakaraang gabi, haluan pa ng usok na nagmumula sa sinangkutsa na bawang at sibuyas na niluluto ni Aling Sarzi a.k.a Baby china real name: Sarzie Aquino y’ Mapagmahal na isang mapag-arugang nanay, mapagmahal na asawa, prostrated cook at dating kahera sa isang tindahan ng hopia sa chinatown at isa sa mga die-hard fan ni Ate V at pussycatdolls, favorite food: Wanton noodles sa binondo na kung saan nakilala nya si Mang Pablo a.k.a Papz real name: Juan Pablo Dela Cruz y’ Mapagmahal na kumakaen ng pancit habang natapunan ng patis ni Aling Sarzi at doon na namuo ang kanilang patitinginan (salamat sa patis J), Retired alaskador na ngayon ay Isang securityguard sa isang malaking banko sa Quezon City, dating meyembro ng aktibista laban sa dating pamahalaang dektador noong 70’s at sya ay isa sa libo-libong tao na nakipag rally at pumigil sa mga tangke nakaharang sa Edsa na ngayon ay nasa sofa at nanood ng alasinko y’ medya sa telebisyon, responsableng padre de pamilya at may motto: love is like a rosary its full of mistery(anu daw), at maniwala ka at sa hinde ay dun nahulog ang puso ni Aling Sarzi at sumibol ang kanilang first born na si Toyang full name: Vilmacorazon Luckrista Aquino y’ Mapagmahal na abalang abala sa pagaayos ng gamit sa eskwela, ang matalino at palaaral na panganay na anak ng pinaghalong aktibista ng decada 70 at Vilma Santos die-hard fan. at si Benignoramos “adonis” Aquino y Mapagmahal ang bunsong anak ng dalawa na mahimbing na natutulog sa kanyang silid “Igno anak gising na” samahan pa ng paulit-ulit na katok sa sahig. muntik na syang mahulog sa kama dahil sa gulat ng maririnig nyang matining na tinig na bumubanga sa pader na nagdudulot ng alingaw-ngaw sa apat na sulok ng kanilang munting tirahan “Igno!!! Igno !!!... Tang-ina Ignoramos!!!... Bumangon ka na nga dyan” pasigaw na boses ni Aling Sarzi habang hinahalo ang sinangag na bahaw ng kanin ng gabihan “Dios-Por-Santo mahabagin!!!... Ignoramos… Gising na ang mga anghel sa langit ikaw nasa banig pa din!!!” pahabol na salita ng ina habang pinapalo ang sandok sa kisame ng kusina na kung saan nasa itaas nito ang kwartong tinutulugan ni adonis.
“Oo Gising na!!!” padabog na tugon ng binata sa ina habang Kamot ulong bumaba ng hagdan patungo sa kubeta na kung saan malapit sa ina na nagluluto ng tinapa at itlog “Tang ina Ignoramos kelan ka ba titino ah… panu kung maghulog ng pera ang langit at tulog ka edi wala tayong nakuha!!!” sambit ng ina habang si adonis ay nasa kubeta, “nay… himala pag nangyari un” pabirong sagot ng anak sa inang nag lilitanya“OGAG!! Toink!* (*katok ng sandok )” sabay sambit ng paburito nitong punchline ni Aling Sarzi “Walang HIMALA HINDOT!!!” at pinag patuloy ng ina ang pag sandok ng sinangag sa pinggan at nag ayos ng pagaamulsalan “Hala at kunin mo ung pera ko sa tukador at bumili ka ng suka at pasador ng kapatid mo bilisan mo at mahuhuli na ang tatay mo sa trabaho, abutin mo na nga rin ung tester-tsoys (Taster’s Choice) at ung gatas sa kusina dali!!!” pahabol na utos ni Aling Sarzi na may halong kunsumi sa anak na lalaki at patuloy pa din sa walang humpay paglilitanya ng ina hanggang si adonis ay makalabas ng bahay. Yamot at baon ang bukol na hatid ng sandok na kahoy papuntang tindahan (*basag si igno ).
Sa tapat ng tindahan ni mang johnny na asawa ni aling natty na may tindang sari-sari mula sa bigas, asukal, kape, delata, at chichirya hanngang sa sabon shampoo, diapers at pasador, hanggang sa kwintas na pangpagwapo (in different colors to choose from… red, yellow, green K)at rolling paper na paburitong bilin ng mga vegitarian nyang kalapit barangay na taga gulod na tinungo ni adonis “aling Natty pa-bili nga ng suka samahan muna din po ng pasador ung walang wings” inis na banggit ni adonis sa tindera na abalang-abala sa paghagod ng kanyang sikat na sikat na jasmin rice, sinadomeng at box-office na NFA rice. Patuloy sa pag bili si adonis habang iniinda pa din ang hagupit ng malupit na bukol nya sa noo, nang sandali ding na iyon na halos parang nabagsakan ng langit ang binata ng may kakaibang hangin na umihip sa kalawakan, mabango, at humahalimuyak na nanunuot sa kaibuturan ng kanyang ilong, napapikit si adonis sa kahalihalinang alindog na dulot ng pambabaeng pabango sa paligid ng tindahan at lalo pa itong lumalakas na tila nagbabadya na papalapit ang may suot nito singhot* (… hmmm mabango nga*) ilang saglit pa ay napahinto si adonis nagulantang ng marinig nya ang mahinhin na boses babae sa kanyang tabi “Aling Natty tatlong kilo nga po sa biente-sinko…at isang pulang kabayo” (hehehe joke lang… bigas lang ) hinde pa man nakakalingon ang binata ay bakas na sa isip nito na ito ay isang babae at sya nga ang may suot ng pabango na kanyang nasisinghot kamakaylan lang. pilit nilingon at nang-usisa ang binata sa bumili at ayun na nga, tama ang kanyang hinala at nabigla sa nakitang lunok*(*bubble thought) “DIWATA!!! (giiiigiiil)” Gliterrriiiiingggg*(napapalibutan ng glitters ang dalaga parang flying dust ni tinkerbelle*).
Si Auring real name: Arwen kimberly “Auring” Sy y’ Humaling, favorite food: Italian and veggies ang mala-anghel sa lupa na first year architect student ng isang iskwelahan sa morayta, nag-iisang anak ni Mang Carlito Tsu y’ Humaling na manager sa isang malaking mall sa Ortigas at Aling Bless Castillo y’ Humaling na may ari ng bilihan ng gintong alahas sa Sta. Cruz Maynila, nakatira sa isang malaking bungalow na napapaligiran ng malarehas na bakod na puno ng namumukadkarang bonggang-villa sa kabilang kalsada kung saan kabitbahay nila ang dancer na si Jopay na dating kasintahan ng machong silahis na si Bogard na Gym Instructor sa isang gym sa cubao na panganay na kapatid ni Stacy na dating kasintahan ni adonis na napitisyon ng magulang sa amerika kung saan doon na nag-aral at nanirahan ng tuluyan. Si Auring ay pinalaki sa kalagitnaan ng karanyaan at kapangyarihan na tinatawag na estado ng pamumuhay ang tanging unica-iha.
(*B/M Anghel sa Lupa by: Stonefree) Napahinto saglit ang paghinga ng binata at natulala habang nakatitig sa mala-anghel na mukha ng dalaga, lalo pa naglawig ang paghanga ng binata ng makita nya ang malalim na dimples sa mapula-pula nitong pisngi bunga ng medyo mainit na sinag ng sikat ng araw, tumigil ang mundo ni adonis sa pag-ikot ng gumanti ng tingin ang dalaga at isang marahang mala-close-up na ngiti at banggit ng isang “Good Morning” amoy na namoy sa hininga nya ang colgate na gamit ng dilag na sumampal sa mukha ni adonis na tila natulala, lumawig pa ang kakaibang aura na hatid ng dalaga sa tindahan ni Mang Jhonny, ng biglang umihip ng marahan ang hangin na sapat lang upang tangayin ang mahabang buhok ni auring at dumapo sa mukha ng binata SwWeeesSsh!*(*tunog ng basang buhok na tumama sa mukha ) malakas na hagupit mula sa buhok ng dilag na humampas sa mukha ng binata ngunit di alintana ang sakit upang di nya maamoy ang shampoo na rejoice (B/M*ang gaan ng feeling by: Donna Cruz)na ginamit ng bagong ligong Auring.
Ilang saglit din na napapikit si adonis at nagsimulang maglakbay ang isip sa kawalan dahil na rin sa alindog na dala ng dalagang si auring, sa patuloy na pagpapantasya ng binata napansin nya na tinatawag ni Auring ang pangalan nya “adonis … echo*… a-do-nis-ss”(*alingaw-ngaw sa fantasy movies) na pawang nang aakit “ad-do-nis-ss” at napansin nyang palapit ng palapit si auring sa kanyang kinatatayuan hanggang halos one inch na lang ang pagitan ng mukha nilang dalawa at muli pa ay tinawag ng dilag ang kanyang pangalan… “HOY!!! ADONIS!!!... ETO UNG PASADOR MO…” pasigaw na boses ng ni Aling Natty sa pikit-matang nangangarap na Igno. Malakas na tunog ng kulintang yumanig sa utak ng binata at pinaputok ang ulap ng pantasya sa tuk-tok ng kanyang ulo na nag silbing hudyat ng dagliang pagbalik ng kanyang kaluluwa sa dating katawang lupa nito (bitin ang adonis tsk..tsk). Galing sa kawalan ay marahang minulat ni adonis ang kanyang mga mata at laking gulat nito na mukha ni Aling Natty ang sumambulat sa kanya at nanlilisik ang mga mata na namumula dahil sa mga tirang balat ng bigas na pumuwing sa kanya(*B/M Thriller by: JACKO), lalo pa umimpis ang pagkahimbing nya ng namalayan nyang kanina pa nya hawak ang kamay ng tindera at himas-himas pa SaPLOK!* (*tunog ng nirolyong tabloid sa umaga) “Huh?!...Ay!!!” gulat na sambit ni adonis “Hayup ka tulog ka pa ba?!” galit na sambit ng mukhang litson sa galit na tindera.
Napangiti ang dalaga sa komedyang hatid ni adonis, at hindi na pinalampas ng binata ang pagkakataon na di nya ito masubaybayan hanggang sa tuluyan na silang magkatitigan, kitang kita ang kutitap ng mga makamandag na mala-Lucy Liu na mga mata ni auring at pinaunlakan pa sya ng makalag-lag puso na mala-julia roberts na ngiti na pawang mapanghalina, at nagsimulang magsalita “adonis right?” tanung ng dalaga na may mukhang nanguusisa “yes…angel?” nagmamadaling sagot ng binata na meron pangpapa-cute “huh?...di Angel ang name ko” nagtatakang sagot ng dalaga “Akala ko kasi isa kang Anghel eh” pangbanat na sagot ni adonis* sa nagtatakang auring (*ang korni ng banat nya) muli na naman napangiti ang dalaga ngunit ngayon ay halatang halata at humalakhak “gagew ang korni mo hahahhahaaa!!.... anyway im Auring” sambit pakilala ni auring.
Ilang saglit pa ay nag-usap ang dalawa at inabot na ni Aling Natty ang bigas na binili ni auring “oh ere na ung bigas mo iha… at wag kang papabola dyan kay Adonis nako!!!... sira ang buhay mo dyan hahahahahaa…” pabirong sambit ng tindera habang inaabot ang tinimbang nyang bigas. “Aling Lucy naman… napapahiya naman ako nyan eh” sagot ng binata na may pakindat kindat kay Aling Natty. “Lucy?... diba Aling Natty?” sabat ng dalaga na medyo nagtataka “Lucy… short ng Lucifer hahahahahaa” pabirong banat ng binata WAPAK!*(tunog ng humahagupit na swatter ng langaw*) “HAYUP KA… GINAWA MO AKONG DEMONYO… HUDAS KA” galit na galit na sambit ng tindera “Aling Natty naman di kana mabiro… (sabay ngiti*) ang wrinkles mo dadami yan nako.. baka maghanap ng iba yang si Mang Johnny ikaw din“ pa lambing na sambit ng binata sa usok ilong sa galit na tindera “PAK-YU!” sagot ng tindera. (banat pa kasi eh ).
Komedy at action ang setting ng umagang iyon na nagbibigay ng tuwa at saya sa baguhang si auring habang pinagmamasadan ang nagbabangayang Adonis at aling lucy (*Natty ), at tuluyan ng inabot ng tindera ang isang plastic ng bigas na binili ng dalaga “ire na ng bigas mo iha”, hinde pa man nakakalabas sa lagusan ng tindahan ang isang plastic ng bigas ay nagmamadali na inabot ito ni Adonis, ngunit mabilis na natanganan ng dalaga ang hawakan ng plastic bag at aksidenteng naghawakan ng kamay ang dalawa (*style) sa bilis ng pangyayari ay di agad na nakakuha ng oras upang magbitiw ang kanilang kamay at muling nagkatitigan na pawang may nilalaman,(*B/M So it’s you by: Raymond Lauchengco) uminit ang eksena ng umagang iyon at tumigil ang oras ni Adonis na pawang na-istrok at ilang segundong hinde nakahinga sa naramdamanang mahika na hatid ng malabot na kamay ng dalaga at si auring naman ay parang gumamela sa pula at tumiklop na parang makahiya dahil na-bigla sa nangyaring di inaasahan* (1 pt. for Igno! Ting! Ting! Ting!).
Ilang saglit din nagkatitigan ang dalawa at “Adonis?” sambit sa pangalan ng binata habang nakatitig ng mainam sa mga mata nito at nang-uusisa, “anu un mahal?” banat ulit ng binata na pawang may hung-over pa sa pangyayari at gumaganti ng tingin sa dalaga na unti-unting lumalapit at napagtanto ni Adonis na itoy lumalapit pa lalo sa kanya, biglang kinabahan ang binata at nagtayuan ang kanyang mga balahibo sa batok, bumilis ang pag tibok ng kanyang puso *bubble thought* “wag auring mahina ako… hinde ka kaladkarin” sambit nito sa sarili habang papalapit ng papalapit ang dalaga na nakakatitig sa kanya, tuluyan na ngang nakalapit ang dalaga sa mukha ng binata at sambit ng “Ano yan MUTA?” sabay hagikgik ng dalaga, gulat at mabilis na tinanggal ng binata ang naiwang bakas ng kahapon at naisip nya na hinde pa nga pala sya nakakapag hilamos (*T.O.) “your so weird adonis … hahahaaa” sambit ng dalaga at marahang sabunot sa bangs ni Adonis sabay tingin sa orasan nyang swatch “tsk… I have to go sigh* hinihintay na ito ni mom…” malungkot na sambit ng dalaga “ah ganun ba… hmmm ok … tulungan na kita sa dala mo?” magandang loob na kusa ng binata “no… I can manage… anyway thanks for your time… nice to meet you Adonis” sagot ng dalaga sa binata na natulala at umaagos ang dugo sa ilong, “and Adonis… i will see you again right?” pahabol ng dalaga “ahhhh…yes” sagot ng binata na umaagos na ang dugo sa anit* (hahahahaa hindi nakayanan ni Adonis ) ”Take care Adonis see yah” at tuluyan ng lumakad pa layo ang dalaga habang nakangiti kay Adonis na tulalangtulala na at tameme sa tuwa, sabay pinahidan ang ilong, kinuha ang bote ng suka... kinagat ang pasador at umalis na din ng tindahan dala ng isang damukal ng kaligayahan.
sapul na sapul ng pana ni kupido ang puso ni Adonis, bakas sa mukha ng binata ang kakaibang tuwa at ligaya na nararamdaman nito sa tindahan ni aling natty, ok na sana ang umaga ng binata ngunit di pa man nakakalayo si adonis ay mayroon na naman syang naramdaman, hinde ito tao, hinde rin hayup, ngunit alam nya ito’y sanhi upang bumigat ang kanyang pakiramdam, sa kanyang bawat yapak ay pawang bigat ng tsinelas at kalooban ang kanyang kinakaharap… “tang-ina kasi bakit di ako umiwas” sambit ni Adonis sa kanyang sarili na pawang balisa “wala ng oras para sisihin ang sarili… wala ng panahon para manghusga kung sinu ang salarin” biglang umihip ang hangin “singhot…singhot*” tama ang kanyang hinala… tama at itoy hindi haka-haka “SHET* NA MALAGKET!!!” (TAMA!).
Mga sumusunod na Tsapter:
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Subscribe to:
Posts (Atom)