Si Adonis Mapagmahal - Chapter 4

Tsapter 4: Every cloud has a silver lining (Pag maitim ang ulap… siguro Uulan)

“…aming ligaya ng pag may mang-aapi ang mamatay ng dahil sayo” (*signing off) Click* (tunog ng remote ng T.V) pzzzzkktt!*(*power-off) “Tsk… ba’t kaya dito natulog to?… YAWN!*” hating gabi ng maalipungatan si Adonis upang uminom ng tubig, naabutan nito ang T.V na nakabukas at ang ina nito na natutulog sa sofa, “Nay… hwuy! Nay… ” marahang panggigising ng pupungas –pungas na binata hawak ang isang basong tubig na galing sa ref, “Nay!... hwuy! NAY!” pilit ginising ang ina na tulog a tulog habang umiinom ng tubig ng biglang “HUH?!” SPLASH!*(tunog ng bumuhos na tubig na nasa baso)...Umph!!... nagising bigla ang ina at ang igno ay basang basa ng malamig na tubig na bumuhos sa kanyang mukha, “oh igno gising ka pa?” tanong ng ina na pupungas pungas “uu nga nay eh…gising na gising nako!” sagot ni igno habang pinupinasan ang mukha at sinisinga ang tubig na pumasok sa kanyang ilong, “AT BAKIT BASANG BASA DITO?!... PUNYEMAS NA BATA KA OH… GABING GABI NA NAGLALARO KAPA NG TUBIG?!... SUMAGOT KA TINATANONG KITA!” bulyaw ng ina sa kunot nuong si igno “eh…nay kasi... “ marahang sagot ng anak “ABAAAH!... NATUTUTO KA NANG SUMAGOT SAKIN NGAYON AH!... HALA SIGE PUMANIK KANA AT MATULOG… PUNYEMAS NA TO MANANG-MANA KA SA TATAY MO!” oo na lang ang igno at iniwan ang ina na patuloy sa pag lilitanya, at tumungo na sa kanyang silid habang pinipiga ang basang pajama at basag na basag sa ina. (*tsk… mid-night snack J)

Umaga, maganda ang sikat ng araw, “GUUUUUD MORNING BAYAN!” pambating sambit ng tagapag balita sa radio na pawang nangigising, sa isang banda nagbibihis ang magkapatid, upang pumasok sa iskwela, habang ang mga magulang nito ay nasa sala, si Mang Popz ay nakalukluk sa sofa, hindi papasok si Mang Popz dahil iniinda ang sakit ng kanyang tiyan, kaya si Aling Sarzi ang pinatawag ng asawa sa kanilang head-quarter upang magpaalam, dut*… dUt*… duuuT*(*tunog ng key pad ng telepono) at Triiiiiiit… triiiiiiit… triiiiiit*(*tunog ng outgoing na ring)… “hello?” sagot ng isang matikas na boses sa kabilang linya, sa laki ng boses ng nakasagot ay naisip ni Aling Sarzi na ito marahil ang kumander ng security agency ng mister kaya “hello po sir sergeant, komander, hepe… si Sarzi po ito misis ni Juan Pablo… papaalam ko lang sana sya sa inyo… hindi raw po kasi sya makakapasok kasi may LBM sya” mahinahong sambit ni Aling Sarzi sa lalaki sa kabilang linya, “ABA!… LBM na pala tawag sa HANG-OVER ngayon?! hahahhaa” pabirong sambit ng lalaki sa kabilang linya, at biglang napatingin ang misis sa nakatingin din na Mang Popz na hinihimas-himas ang tiyan nito, at naka ngiti sa kanya, “hahaha ganun po ba?... ahhh cge po… basta po hinde sya makakapasok ngayon kasi bibigyan ko sya ng dahilan” at binaba na ang telepono ni Aling Sarzi… BLAG* (tunog ng telepono na pagalit binagsak) sa aktong pagbaba ng telepono ay lumapit ang mister sa animoy umuusok na misis “he-he-he Liiiiing! Magaling na yata ako…oh… wala na ung sakit ng tiyan ko… HIMALA!! He-he-hee” pangiting sambit ni Mang Popz sa asawa na parang nag su-super saiyan sa galit, at biglang sambit ni Aling Sarzi ng “LBM PALA AH… WALANG HIMALA GUNG-GONG… HiiiiiyyaaaaH!!!”... SPLAG!... POW!... CrraAssShH!*(*tunog ng ceramic vase na hinataw sa mukha*SAPUL J), ilang minuto pa ay bumaba na ang magkapatid, “kis*… nay una nako, maleleyt na naman ako sa first subject ko eh… nguya… nguya… nguya*” sambit ni igno habang nagmamadaling kumakain ng tasty na galing sa kusina, at biglang umalis, “asan si tatay hindi ba un papasok?” nagtatakang tanong ni Toyang habang inaayusan ng ina, “ayun di makakapasok masakit ang ulo…” hindi pa man nakakapos magsalita ang ina ng biglang sumigaw si igno “NAAAY!... SI TATAY OH PARANG BATA NAKA-HALUNDUSAY SA LAPAG!” napatingin si Toyang sa ina, patay-malisya naman ang ina (*alam na J).

Maganda ang sikat ng araw, humuhuni ang mga ibon na namamahay sa mga nakayukong poste sa kalsadang pawang nagbanggaan, medyo mainit ang sikat ng araw na nahaharangan ng medyo makulimlim na langit, lumabas ng bahay ang Adonis at nagmamadaling naglakad patungo sa sakayan ng dyip sa kabilang kanto ng g.tuazon, gamit ang kanyang mp3 binaybay ng binata ang mahabang kalsada na may kanta at kalma, gising na ang bawat tahanan, madami na ang tao sa labas, bukas na ang tindahan ni Mang Johnny at hinahanda na ang mga paninda, pandisal at champorado, sinangag at itlog na may kasamang hotdog, ang tinda sa karinderya na mapanghalina, nasisimula nang maglaba ang labanderang si Manang Linda na umuusok ang bibig dahil sa marca-niyog na subo-subo nito, habang ang anak nitong si Perla ay kinukula ang panty at bra nya sa kanilang bubungan, ang mga golden girls and guys ay nagsisimula ng kanilang aerobics routines with voltes 5 discotech at ang trainer ay si Bogard na naka spandex at tennis headband, habang ang dancer na si Jopay naman sa isang banda ay nag i-i-stretching with her stretching aerobic leggings, and fitted trainer outfit, habang ang mga tambay at mga tricycle drivers naman ay parang punsong nagtutumpukan at luwa-matang nakatitig sa dalaga (*stretching there eyes),”tsk… tsk… iling-iling*” pailing na dinaanan ang mga tambay na nag uumpukan, (*hindi pinansin ni Adonis ang komusyon… naks! J) gising na ang kalsada ng isang maliit bahagi ng sampaloc, nagtatakbuhan na mga batang prep patungo sa malapit na daycare center habang pilit hinahabol ng mga naghahatid na ina nila, “hay simula na ng buhay” sambit sa sarili ng Adonis habang kinakanta ang tunog na nanggagaling sa earpiece na nakasabit sa kanyang tenga,(*B/M Para_ sa_ masa.MP3 by: Eraserheads) sa kanyang paglalakad at pag mumuni-muni maraming pumapasok sa kanyang isip, bawat hakbang ay may sumasagi sa kanyang ulirat, bawat yapak ng kanyang high-cut na chuck-tailor ay may kumakalabit sa kaibuturan ng kanyang utak, hindi man pansin ang mga nasa paligid nito, ang kung ano yung ano, at kung alin ang alin, kung sino si sino, at bigla na lang pumasok sa kanyang malikot na isip ang salitang “bakit?” at napahinto saglit, tumingin sa orasan nito, at huminga ng malalim at binuga ng marahan… ”may oras pa… SI JOPAY!... balik*” (*aus)

Makalipas ng ilang minuto ay nagpatuloy ang binata sa paglalakad patungo sa sakayan ng dyip, maraming sidewalk vendor sa bangketa kaya talaga naman walang makakadaan hangga’t hindi makikipag sapalaran at makipag patintero sa mga rumaragasang sasakyan sa tabing kalsada, ngunit sa pagmamadali ni Adonis hindi na niya alintana ang mga sasakyan na dumadaan, at bumubusina sa kanya, patuloy ang paglalakad na parang walang pakielam, kaya ang mga sasakyan na lang ang umiiwas sa kanya, (*astig diba?) ngunit sa kanyang paglalakad ay meron itong marinig na bumubusina sa kanyang likuran at sa di kalayuan ang tunog ng sasakyan na ito ay rumaragasa sa tunog ng makina nito ay masasabi talagang mabilis at mabilis na papalapit ng papalapit sa kinakatayuan ng binata, BROOOOOOOOMMM!!!, kaya lumingon ang binata upang makita ang papalapit na sasakyan ngunit sa kayang paglingon ay huli na ang lahat at (*wha!!! Kotseeeeh!) SKRreeeeEEEeeeETCH!!!*(*tunog ng nag malakas na preno ng kotse) “NGYAAAAAAAAAAAAAH-JUSKOOOOH!!!” malakas na hiyaw ng binata habang napahinto sa kinatatayuan at nanginginig sa sobrang takot, isang puting Mitsubishi Lancer ang huminto sa harapan ng pikit matang Adonis, halos isang pulgada na lang ang layo ng bumper nito sa naka-standing in one feet (*literal as-in) na binata, nang dahan dahang minulat ng binata ang mata ay agad nitong hinawakan ang katawan nya “buhay pa ba ako?” sambit sa sarili ng binata habang kinakapa ang katawang lupa nito, saglit pa ay inayos ang sarili at SPLAG* (*tunog ng malakas na kalabog sa hood ng kotse) “HOY! BULAG KABA?!... ANG LAPAD NG DAANAN AH…” pagalit na sambit ni igno habang ang kotse sa harapan ay patuloy ang rebolusyon, “LUMABAS KA DYAN… ANO!... ANO!?... DUWAG!!!” patuloy ang paamok na sambit ng binata habang pilit tinataas ang manggas ng kanyang polo, at hinahampas ang hood ng ngayo’y naka-hintong kotse, sa tinted na kulay ng wind-shield nito ay di maaninag ng binata kung sino ang driver ng kotse, gayun pa man ay binaba ng driver ang side-window nito *pzzzzzzzzzzztt! (*tunog ng power window), at tuluyang binuksan ang pintuan ng kotse, saglit pa ay lumitaw ang high-heels ng pangbabaeng sapatos, at natahimik saglit si Adonis ng maamoy ang pamilyar na amoy ng pabangong pambabae, at gayun nga tuluyan ng lumabas ang driver habang patuloy ang binata sa pagaamok “ANO LUMABAS KAYA DYAN!!!... Aaaaaah?...lunok* AURING KOH?!!” ganun na lang ang gulat binata sa kanyang nakita, si Auring pala ang driver ng puting sasakyan (B/M: So it’s you by: Raymond Lauchenco) sa yumi at ganda nito ay napalitan ang kanyang galit ng kaligayahan, lalo pa ng tanggalin nito ang suot nyang sunglass at ginawang headband ng kanyang mahabang buhok na pawang pinapakintab ng sikat ng araw, kitang kita sa mga mata ng dalaga ang hindi makubling kaligayan ng makita nito ang binata, ang binata naman ay bumibilis ang tibok ng puso sa nakakapos hiningang kagandahang taglay ni auring, “SURPRISE!!!!... Aaaa-dooo-niiii-sssss…GOOOOD MORNING!... hahahahaa!” masayang sambit ng dalaga sa napatungangang binata, “mahal ikaw pala yan!... kala ko patay nako eh… kala ko sinusundo nako ng anghel” banat ng binata sa dalaga “did i scared you ba sweety?” sambit ng biglang nag-alalang Auring “hinde naman mahal… basta ikaw ang babangga sakin mahal kahit mamatay ako aus lang… kindat*…kindat*” sagot na banat ng binata (*aus ang banat ah) “sayang kung alam ko lang din sana ung FORTUNER na lang ni dad ung dinala ko… tsk* tsk*… ” pabirong sambit ng dalaga, sa biglang natahimik na Adonis, sabay hatak sa bangs nito “just kidding sweety… masyado pikon to….hihihihiii” sabay lambing sa Adonis na kumukunot ang noo at muling suminag ang araw sa binata at lumitaw muli ang lagpas tengang ngiti nito, (*B/M: So its you by: Raymond Lauchengco – ulit J) habang pinagmamasdan ang kumikinang na mga mata ng dalaga, lalo pa’t gumaganti ng tingin ang dalaga na may kasamang matamis na ngiti, ang bawat titigan ng dalawa ay parang mahikang bumalot sa kanilang mapaglarong puso, bawat ngiti sa kanilang labi ay pawang may gustong ipalagay, bawat kibot ng kanilang mapaglarong isipan ay sadyang pinapakita ng tadhana ang hindi maintindihang pagtitinginan ng dalawa, ganun pa man napangiti rin ang dalaga habang nakatitig sa mata ni Adonis, hinawakan ang kamay ng binata at nilapit ang mukha kay Adonis, kaylapit na halos magkabanggaan ang kanilang ilong, sabay malambing na sambit “bukas ung L-300 ni mom naman” (*aus J).

Lumilipas ang oras at talagang ang araw na ito ay napaka hiwaga sa binata, “so… can I give you a lift?... late na tayo! Hihihii…” masayang alok ng dalaga kay Adonis na umaapaw ang kaligayahan, “ah… eh… sige!” nahihiyang pag-sangayon ng binata at tumungo sa passenger seat ng puting kotse ng dalaga, “much… better… tara” pakuntentong sambit ni auring sabay sakay sa driver seat, biglang sara ng pinto SPLAG*… Tick* (*tunog ng pintuan ng kotse at lock nito), “hmmm… Adonis seat-belt?” sambit ng dalaga sa binata na inuusisa ang loob ng sasakyan ni auring, gayun pa man sa loob ng sasakyan ay bumabalot ang pabango ng dalaga, singhot* (*snip*… snip*) napapikit ng saglit ang binata at sinimsim ang bango na gamit ng dalaga, sabay Click* (*tunog ng seat belt) ”ok na…” sagot ni adonis sa dalaga na nagpapainit ng kotse nito, Click*(*tunog ng power-on ng car stereo) binuksan ni auring ang stereo na naka-set sa MP3 (*First_ of_ summer.mp3 by: Urbandub) sabay sabi ng “ok lets go… Wink*”( kindat*), sabay balik ng kanyang sunglass sa mata nito, hawak sa manibela, mabilis na kabig sa kambiyo, mainam na piniga ang selinyador at BROOOOOOOOOOOOOOOOOM!!!*(wow! Gone in 60 sec.) napalapat ng todo ang likuran ng binata sa backrest ng passenger seat dahil sa bilis ng arangkada ng sasakyan, makatindig balahibo ang pagmamaneho ng dalaga, at halos hindi na mailapat ng binata ang paa nito sa tapete ng kotse dahil sa mala-rollercoaster na driving maneuver nito, overtake sa mga kasabay na dyip at naka-menor na sasakyan, “GrrrrrRR! Bagal… BAGAL!!!” beeeep* beeeeep* beeeeppp* (*tunog ng busina na pinipindot ng todo at paulit ulit) “green means go!!!... GO! - damnmit!” inis na sambit ng dalaga na pawang kinakausap ang sarili habang todo ng busina nito sa kaharap na sasakyan, “ah… eh… aur-inn-ing… ilan taon kana nag mamaneho” tanong ni Adonis sa dalagang speed frenzy, “hmmm… almost 5 months na! hahahaaa” sagot ng dalaga sa binata na biglang nagulat, “ah… eh… tagal na ah… pede kana palang driver ng bumbero eh…he-he-he” pabirong sambit ng binata na kapit na kapit sa hawakan sa gilid ng pintuan ng kotse, “well gusto ko nga paramedics eh!” biglang napatingin si Adonis sa dalaga “NAKOW!!!...PLEASE WAG NA!!!”

Makalipas ang ilang minuto sa pakapigil hiningang paglalakbay sa mala-eroplanong kotse at mala-piloto ng MRT’ng driver na auring nakarating ng eskwelahan ang dalawa “here we are!!!...” sambit ng dalaga sa binata na kapit tukong naka hawak sa magkabilang gilid ng passenger seat ng kotse, “salamat po!... (*sabay sign of the cross)” sambit sa sarili ng binata habang manginig-nginig na tinatangal ang pagkakapit sa hawakan, napatingin ang dalaga sa parang na strok na binata “hmmm… Adonis were here na…” sambit muli ng dalaga at tanggal muli ng sunglass nito sa pagkakasabit sa tenga at ginawa ulit headband, at muli lumitaw ang kanyang mga mata sabay ngiti sa binata na putlang-putla, “your so weird Adonis…hahahaha… that’s why I like you… hihihihii” sabay marahang sabunot sa bangs ng binata at naunang lumabas ng kotse, isang saglit pa ay binuksan na ni adonis ang pinto ng kotse kung san sya nakasakay at marahang tinanggal ang pagkakayakap ng seatbealt nito Click*, dahan dahang nilapag sa labas ng kotse ang isang paa nito at tuluyan na ngang nakalabas ng kotse, “so hows your trip Adonis?” tanong ng dalaga sa binata na namumuti ang labi, “ah… ok la-aaaaanngggg!... Haaaaayyyyy!” BLAGABAG!!!... NURSE!!!!

Ilang minuto pa’y magkasabay na dumating sa eskwela si Balolong at Batik,nakita nila si auring na nakaupo sa hallway bench na malapit sa clinic na nakasubangot “Hi Auring … nakita mo ba si Adonis?” tanong ng balong sa dalaga na nakasalong-baba, “Sigh* (*bugtong-hininga)” sagot ni auring sabay lip gesture sa karatula ng clinic, mabilis nakuha ng dalawa ang ibig paratingin ng dalaga, “HUH?!...” sabay na pasigaw na sambit ng dalawa “MAY SAKIT BA?” tanong ng balolong, “iling-iling*” iling lang ang sagot ng dalaga sabay sagot… “NALULA!”