Si Adonis Mapagmahal - Chapter 2

Tsapter 2: Kill two birds with one stone (adobong piniƱahang manok)

Sa loob ng bahay ay tuloy pa din ang litanya ni Aling Sarzi, rinig na rinig ang boses ng ina sa labas ng gate ng compound ngunit sa pagkakataon ito ang ama naman nito ang pinuntirya ng ina “jusko mahabangin ginabe ka nanaman ng uwi kagabi ah… nakatulog na ako wala ka pa din?!” bulyaw ni aling sarsi sa kamot ulo na si mang Popz “siguro nnagpunta na naman kayo ni Pareng Bobot sa cabaret noh?... ano sumagot ka!... sumagot ka!”panghihinalang tanong ng asawa “ehh kasi no…eh” sagot ni mang popz ng biglang “aba-aba sumasagot kana ngayon ah” tahimik na lang ang pobreng tatay habang kumakain ng almusal (basag si popz kay sarsi). (*B/M Litanya ni aling sarzi by: Aling sarzi) “Anu ba pinag-awayan nila?” tanung ng igno kay toyang na tahimik na nagbabasa ng novel (*Thursday with morrie) habang kumakain ng almusal “hay nako… mahabang istorya” sagot ng kapatid “kasi naman itong si tatay sinabe ba namang O.A (*over-acting) daw si ate V. sa pinikula nya na decada 70… ayun!” kwento ni toyang sabay balik sa pagbabasa “ahhh ok…” (ahhh ok L ang lalim ah).

Umaambon sa sa labas ng umalis ng mabilis ang ama upang makaiwas sa back-fire at after-shock ng nagngangawngaw na asawa kasabay nito ang first born na si toyang na nagmamadaling kinuha ang mga gamit at mabilis na sumakay sa owner type na jeep ng tatay, at si Aling Sarzi naman ay kinuha ang bayong at coin purse sa kusina at sumunod na lumabas ng bahay upang pumunta sa palengke upang mamili ng lulutuing ulam para sa hapunan, umuulan basa ang kalsada, ambon pa lang nung una ng makaalis ang ina sa bahay nila hanggang sa biglang rumagasa ang buhos ng ulan “yes!... maiistranded si nanay sa palengke…hehehe” sambit ng binata sa kanyang sarili “katahimikan… sa wakas…” pasigaw na sambit ng binata sa kanilang sala habang nagiinat, sabay upo sa sofa, hinawakan ang remote control, at binuksan ang telebisyon Click*(*tunog ng power switch ng t.v) ilang minuto pa nanood ang binata, tumingin sa bintana at inaninag ang lagay ng kalangitan, ngunit tuloy pa din ang kasagsagan ng ulan na pawang ayaw na huminto, Click*…Click…Click… (tunog ng remote na paulit ulit pinipindot) “tsk… walang mapanood” sambit ng igno sa sarili habang patuloy sa pag pindot ng remote ng kanilang telebisyon Click*, nakita ni igno ang naka display na VCD sa tukador sa ilalim ng t.v set, binuksan ang sliding glass ng tukador at pumili ng palabas na mapapanod “Robin Padilla movies, Fernando Poe collection, Dante Zamora karate movies, The God Father 1-2-3, EDSA footages… kay tatay to” sambit sa sarili ng binata habang nag patuloy sa pag pili, “Hmmm… Vilma Santos movies, Aerobics videos, at MTV ng pussycatdolls, kay nanay to…” ngunit sa bandang dulo ng mga nakahilera na CDs, ay may naka ipit na isang kahina-hinalang VCD na halos di na makita dahil sa nipis ng case nito, “SEX SCANDAL… hala kanino to?” pagtatakang sambit ni Adonis sa sarili, “hindi ito kay tatay lalo naman hinde kay nanay…hmmm…bahala na nga” at binuksan ang manipis na case at tinanggal ang CD na mikey mouse ang design, sa kanyang panguusisa napansin nito na may nakasulat sa gilid ng cover nito, laking gulat ni Adonis ng mabasa ang nakasulat “Toya… (hahahahahaa J )” biglang na tawa sa sarili ang binata at binalik ang CD case sa tukador* sabay salang ng CD sa player at Click* (*B/M don’t touch my birdie by: parokya ni edgar). Malakipas ng ilang minuto ay nakita ni Adonis ang telepono sa ibabaw ng maliit na lamesa sa sala na pawang gusto magpagamit sa binata na bagot na bagot, kaya inangat na nga ni igno ang telepono upang tumawag “hmmm… sino naman tatawagan ko?” sambit sa sarili ng binata habang naka sabit sa balikat ang telepono, at nag dial dut-dut-duut!* (*tunog ng keypad ng telepono) ngunit isang pamilyar at magandang tinig ng babae ang kanyang narinig, ang magandang tinig na may dalang malungkot na balita “your balance is zero pesos and zero centavo plea… BLAG!” hindi pa man nakakatapos eh binaba na agad nya ang phone at nagbuntong hininga hayyyy* (alam na J ), wala ng maisip si igno at pawang nawawalan na ng pag-asa, walang magawa sa bahay kaya laruan ng pamangkin na nasa lapag ang pinagtripan ng igno, at nilibang ang sarili (*galing sa pagkabata, bumalik sa pagkabata J).

Pawang lumilipas ng mabagal ang oras ni igno upang libangin ang sarli, ilang minuto ng masinsinang pagiisip at halos ilang laruang kotse ng bata ang nasira at natanggalan ng gulong, naisipan na lang ni Adonis na maglinis ng kanyang silid, ang kwarto ni Adonis na ilang decada na yatang hindi naayos (artist sya daw sya… sabi nya J), pumanik sa kwarto na malapit sa balkonahe ang bagot na igno, pagbukas pa lang nag pinto ay bumulaga na sa kanya (*B/M Welcome to the jungle by: GNR) ang nagkalat ang botelya ng sakura na poster color, water color, at lata latang acrylic color, amoy langis ang paligid dahil sa marice na oil paint na nakakalat, mga pet bottles na hinati sa gitna upang mag silbing hugasan ng brush, mga patak ng pintura na hindi napunasan at hinayaan na lang kumalat at tumigas, mga papel at canvas na ginagamit ng binata sa kanyang plates sa iskwela at isang damukal na mga gamit na hinde nya alam kung ano ang gamit basta nasa kwarto nya lang un lang, poster ng na nakarolyo hindi na naikabit dahil laos na ang nakalagay at ang iba ay inipis na sa kalumaan, kutson na kay gulo na parang hinigaan ng isang pulutong na Spartans, mga maduming damit na nasa hamper at mga labahing pantalon at nakahanger na bagong brip na astroboy sa likod ng pintuan na kung saan naka dikit ang poster ni britney spears, mga painting na hindi natatapos na hindi rin masabit dahil hindi pa nga tapos (kulit ko noh? L) sa tukador nakalagay ang ibang gamit ng binata mula sa t-shirt pang bahay at pang-ispo0ting, mga memorabilia ng mga dating kasintahan, hanggang sa mga medyas, brip, at mga sapatos na luma, mga magazine, playstation, mga kurdon ng kuryente na parang pansit malabon at buhol-buhol, mga CD nya ng MP3, mga collection nyang pirated na DVD, at mga pinggan na pinagkainan ng pansit kanton, isang piraso ng arnis, at ang tsinelas na maasahan na pang kubeta, at pamalo ng nanay nya pag inis at galit sa kanya (maasahan nga* J) “ang kalat ng kwarto ko” sambit ni igno sa sarili habang tinitigan ng ilang minuto ang mala-bodega na kwarto nito, sabay sambit ng ”bukas na lang siguro” kinuha ang kanyang mp3 player, sabay sarado ng pinto at sa balkonahe tumambay (aus L).

Tanging si igno lang ang walang pasok ng linggo sa kanilang sambahayan kaya sa kapiz na bintana ng balkonahe ay naka luklok si Adonis ang mukhang kawawang binata, hinango ang mga damit na tuyo na naksabit sa balkonahe, mga t-shirt, uniporme, mga panty ng mag ina, at brip ng mag ama, sabay lagay sa hamper at umupo ang igno sa upuang tumba-tumba ng ama, dumungaw sa bintana, sinabit sa tenga ang headphone ng kanyang mp3 player, Click* (*pumatak naman ang ulan.mp3 by: APO hiking society) at tumunganga sa tapat ng inuulang kalsada, walang magawa ang binata kaya pinagtripan na lang bilangin ang bawat malalaking patak ng ulan na bumubuhos sa kalsada na tinatangay ang mga basura at mga taeng naka kalat (twing umuulan lang lumilinis ang kalsada nila*), ilang salit pa eh nakaramdam ng binata ang antok, halos makatulog sa kapiz na bintana ang igno habang pinakikinggan ang tunog ng mga patak ng ulan na bumabanga sa kanilang bubong at dumadaloy sa alulod, “hayyyy!” sambit ng inaantok na igno, sabay ng isang malaking inat, at bukang-buka na halos makapunit bibig na humikab,”BuUwWWaaaAh!”*(*hikab ni Adonis) sandal sa backrest at inugoy ang tumba-tumba.

Umuulan at pawang ayaw paawat sa pagluha ang langit, basa ang paligid walang naglalarong mga bata sa labas wala ring mga tambay sa kanto, walang naglalakad sa kalsada, kaya maluwag na nakakadaan ang mga motorista sa kanilang kalsada, walang masyadong tao kundi si Chairman Tan lang pilit sinusundot ang baradong drainage sa tabi ng poste, ang lahat siguro ay nasa loob ng bahay nanonood ng telenovela, peaceful walang ingay tanging tunog lang ng mp3 player* na nakakabit sa tenga ng binata ang naririnig (*tulog_na.mp3 by:sugarfree)nya, malamig ang panahon, masarap matulog, masarap humimlay, Papikit na sana si Adonis ng biglang may huminto na tricycle sa harapan ng bahay nila, sa tunog ng karagkarag na makina ng motor nito, ang bumasag sa momentum ng antok ng binata, buong akala ni Adonis ay ang kanyang ina na galing ng palengke ang bumaba sa lumang tricycle, ngunit mali ang kanyang hinala sapagkat isang pares ng maputing binti ang natanaw ni Adonis sa bintana ng balkonahe “hindi si nanay to” sambit sa sarili ng binata habang naka dungaw sa bintana at ng uusisa, saglit pa ay tuluyan ng bumaba ang pasahero ng tricycle, “oh my gulay!... SI AURING” (SI AURING NGA!!!) gulat na sambit ni igno na halos mahulog sa kinasasandalan sa balkonahe, mabilis na pumanaog ang binata at dumiretso sa gate ng bahay SSSSWweEEEEP!* (*tunog ng nadulas na nilalang dahil sa katangahan) sa kakamadali ay naapakan ni Adonis ang laruan na cars ng pamangkin nitong si Panday na naglaro sa kanilang sala. Nagtamo ng bukol at gasgas ang tanga-tangang igno, ika-ikang nakarating sa gate ng kanilang bahay at dinungaw ang dalaga, habang hihilot ang masakit na puwitan, napansin nyang maraming dalahin ang dalaga na galing din sa palengke, walang dalang payong ang dalaga kaya itoy basang-basa sa ulan, kaya naisipan ni Adonis na kunin ang payong at nagmamadaling lumabas upang mapayungan ang pawang basang sisiw na dalaga (*Adonis to the rescue) SSSSWweEEEP!* (*nanaman!- tsk* Tsk* tsk* L).

“Tulungan na kita…” sambit ng binata at biglang kinuha ang bayong ng gulay at karne na tangan ng dalaga “AYYYYY! Tanginaaaah!... TOG…CRAAACK!*” (*tunog ng pinanghataw na matabang upo J) “ARAaaGUuY!” sambit ng pobreng Adonis na hindi pa man nakaka recover sa truma ng dalawang beses na pagkakadulas ay hambalos naman ng matabang upo ang sumunod, “SHIT! ADDOoNniiissS!!” gulat na sigaw ng dalaga sabay “SORRY!!!...kala ko kasi… Sorry!!!” paumanhin ng nabiglang auring sa dumadaing na Adonis, (sayang ang upo tsk. tsk.J) “ok lang ako…aray!...ok lang ako” paulit ulit na sambit ng binata habang pilit tinatago ang sakit na naramdaman at mahilo-hilo sa di inaasahang hambalos, “next time don’t do that ok?...” sambit ng dalaga habang hinihilot ang namumulang bakat ng upo sa noo ng binata, dahil sa lakas ng pagkakapalo, “auring… payungan na kita… basa kana oh” sambit ng binata hawak ang payong at kalahati ng upo na nabiyak sa kanyang ulo, napa titig ang dalaga sa mata ng pobreng Adonis sabay napangiti, “salamat Adonis…” mahinahong sabit ng dalaga sabay –paunlak ng isang ngiti,(*B/M: So it’s you by: Raymond Lauchengco) kitang kita ang dimples nito sa pisngi na nagbigay ng lakas kay Adonis upang hindi na maramdaman ng binata ang sakit na natamo sa ng halos magkasunod na trahedya sa buhay nya noong araw na iyon, masungit ang panahon sa kalsada na pawang nagbanggaan ngunit ito ang pinaka magandang araw kay Adonis, dahil sa mga ngiti ng dalaga na kitang kita sa mala anghel nyang mukha na talangang masasabing,“ang ganda nya talaga” sambit sa sarili ng binata habang nakatitig kay auring na nag aayos ng kanyang basang buhok na mahaba, gayun pa man ay tinangkang umakbay ng binata sa balikat ng dalaga, ng biglang lumingon ang auring at SwwEEeP!(*hampas ng basang buhok), humampas sa mukha ng binata ang basang buhok ni auring na nagpagising bigla sa kanya at umalintana sa kanyang mapangahas na balakin(*hahahahh… pupuntos pa ah J), “ay!.. sorry ulit…” paumanhin muli ni auring sa binata na kinukuskos ang mata dahil sa pagkakapuwing “ok lang ako…”sambit ni Adonis na maluha-luha dahil sa humataw na buhok sa kanyang mukha at mata, gayun pa man ay kinuha na ni Adonis ang dalang bayong ni auring at pinayungan ang dalaga, kumapit ng mahigpit sa braso ng binata si auring na medyo naginginig sa lamig, “GrrRRRrr… LaaMmmiggg!” sambit ng dalaga habang naka kapit ng mahigpit sa binata, “buti na lang nandyan ka Adonis” marahang sambit ng nilalamig na dalaga kay Adonis “basta ikaw mahal” banat naman ng binata habang patuloy sa na ini- inda ang kanyang namumulang noo at patagong hinililot ang sumasakit na puwetan.

(*B/M tuwing umuulan by: Eraser Heads) Malakas ang ulan parang binuhos ng langit ang luha na kanyang inipon, malamig ang panahon, masarap matulog, masarap humimlay, basa ang daan, malinis ang kalsada na pawang nagbanggaan, malakas ang ulan kasing lakas ng tibok ng puso ni Adonis habang mahigpit na nakatanday sa kanya si auring, malamig ang panahon ngunit pawang di maramdaman ng binata, dahil sa init na dala ng eksena, masarap matulog pero para kay Adonis ayaw na nyang pumikit kahit kumurap manlamang sapagkat ayaw nya palampasin ang bawat segundo na kasama si auring na kapit na kapit sa kanyang braso, at nakapatong ang ulonan sa kanyang balikat, “Adonis…” marahang tawag ni auring sa binata habang naglalakad sa basang kalsada, “masakit pa ba?” tanong ng dalaga habang ang isang kamay nito ay hinihipo ang noo ng binata, parang yelo sa lamig ang kamay ni auring, na nag papaimpis ng sakit na natamo ni adonis, gayun pa man ay damang dama ni Adonis ang mainit na hanging hatid ng hininga nito na umiihip sa kanyang tenga “hindi na mahal” sagot ng Adonis habang nakatitig sa dalaga at pinupunasan ang naiwang tubig ng ulan sa mukha ni Auring,”kawawa naman ung upo… sana ung pata tim na lang…hihihiii” pabirong sambit ng dalaga sabay batok sa namumulang noo ni Adonis, “aray!!!” daing ng binata “ay… sorry po” paumahin ng dalaga, at patuloy ang kanilang kwentuhan at kulitan sa basang daanan, bakas na bakas sa mukha ni Adonis ang kasiyahan na dulot ng pagtatagpong ito, hindi alintana sa kanya ang lakas ng ulan upang mapigilan ang pagkakataong makasama ang anghel na si auring, patuloy ang paglalakad ng dalawa patungo sa kabilang kalsada kung saan nakatira si auring, mga isa, dalawang hakbang pa ay natanaw ni auring ang inang si Aling Bless na nakatayo sa tapat ng pinto, na malapit sa puti nilang gate, at pawang galit na hinihintay ang kanyang anak na dumating, mabilis na tinanggal ni auring ang pagkakatangan sa braso ni Adonis “SI MOMMY!” gulat na sambit ng dalaga habang nagmamadali na maglakad, gayun nga ay nakarating na sa harapan ng bahay ng dalaga ang dalawa, pumasok sa gate at natagpuan ang ina ni auring na naniningkit sa galit “TANGNANG BATA KA SABI KO DIBA HINTAYIN MO SI MANANG AT SYA NA LANG ANG MAMALENGKE” galit na bulyaw ng ale sa anak “sorry mom… I can’t wait for manang, shes busy doing our laundry… so i go alone instead” paliwanang ng dalaga sa ina na umuusok ang ilong sa galit “HALA SYA PUMASOK KANA AT MAGPALIT KANAT BAKAT NA BAKAT NA YANG SUSO MO… PUNYEMAS NA BATA TO” dagdag na bulyaw ni aling bless sa anak, “by the way mom… this is Adonis… he helps me carry my grossers all the way here… Adonis my mom” pakilala ng dalaga sa nakatameme at dumudugo ang ilong* na binata (*nosebleed ulit si Adonis J), “magandang araw po” sambit ni Adonis habang pinupunsan ang dumugong ilong nito, “magandang araw din naman…salamat sa tulong mo “ sambit ni aling bless na tinitignan ang binata mula ulo hanggang paa, “…and you iha take a bath and change… magkakaskit ka nyan eh… jusko!” sambit ng ina sa dalaga sabay pasok sa loob ng bahay “bye Adonis… thanks… I did have a great time… see you again soon” paalam ng dalaga sabay dahan dahang sarado ng pinto na may ngiting pabaon sa lagpas tenganang nakangiting binata.

Gayun pa man ay lumingon na ang adonis patungo sa gate upang bumalik sa kanilang bahay ng laking gulat nito na meron dalawang German shepherd sa kanyang harapan at isang chuawawa na umaangil at handa na upang manakmal, napatigil ang binata at biglang napadikit sa pader dahil sa kanyang nakita, “kalma… (hinga ng malalim), Adonis, …kalma” sambit ng binata sa sarili na pinagpapawisan ng todo, hindi mawalay sa isip ng binata ang matatalim na pangil, at nanlilisik na mata ng mga aso na nasa kanyang harapan “don’t panic… kalma… don’t panic” pampakalmang sambit ni Adonis sa kanyang sarili habang tuwid na naka tayo parang bantay ng monumento sa luneta, mataimtim na nag iisip ang binata kung paano malampasan ang nagbabadyang sikwenta y’ dos na turok (52 shots) na matatamo sa isang sakmal, at isang linggong confinement sa ospital ng San Lazaro, ngunit hindi makapagisip ng mahinahon si adonis sa inaamba ng mga asong tulo laway at labas pangil na nakangiti at pawang gustong tikman ang nakalitaw na laman sa kanyang binti, “don’t panic… Adonis… don’t panic” sambit ng binata sa sarili habang pilit na dinidikit sa pader ang kanyang katawan at unti-unting umuusad patungo sa puting gate (*don’t panic Adonis… kalma) palapit na sana ang binata sa kaligtagtasan ng biglang kumahol ang maiit na aso na naging hudyat ng pagkilos ng dalawang higanteng Doberman “yes panic!... yes panic!... YES PANIC!” … “isa… dalawa… TAKKBOO!!” kumaripas ng takbo ang binata habang hinahabol ng dalawang higanteng aso, tumigil na ang ulan at sumilip na ang araw na pawang sinadya upang masaksihan ng langit ang patuloy na habulan ng binatang hingal aso na sa kakatakbo at ng mga asong daig pa ang taong sprint runner sa bilis, nagpatuloy ang marathon hanggang makarating sa kabilang kanto kung saan natagpuan ang gate ng kaligtasan (*gate ng bahay nila Adonis na naka bukas), mabilis na pumasok BLAGAG!* (*tunog ng bakal na saraduhan ng gate) mabilis na sinarado ang bakal na trangkahan ng gate “gah… salamat po!… gah!... salamat san pablo… salamat san pedro… salamat san juan… salamat san lazaro…” habol hiningang nag papasalamat sa lahat ng santong kilala ng binata habang bumalik na ang dismayadong mga aso sa bahay nila auring, “hay…pyew!!!...gah…gah…” ganun na lang ang paghabol ng hininga ng binata sa likod ng gate, ng biglang may sumigaw na pamilyar na tinig “TANG INA… IGNORAMOS… KANINONG SCANDAL TO!!!” sabay bukas ulit ng gate at takbooooh! J

Hapunan, ng makauwi si toyang galing ng iskwela at si igno na galing sa galaan kasama ang mga barkada, ilang minuto pa ay dumating ang ama nila na si Mang Popz “oi dad aga mo ah” sambit ni Toyang sa ama, sabay “dad oh tsinelas” abot naman ni igno, “nag halfday ako wala naman kasi ako masyado ginagawa ngyon eh… ang nanay nyo?” sambit ng ama habang tinatangal ang sapatos at nag palit ng tsinelas na inabot ni igno, gayun pa man lumabas ng kusina si aling zarsi, “ABA…AGA… AH!” sambit ng ale sa bagong dating na asawa, say halik ni mang popz kay Aling Sarzi “hmmm bango ng misis ko ah” lambing ng mama sa ale “HINDOT!” sagot ng ale, “nag halfday ako… Liiiing” dagdag pa ng mister na may pakis-kis pa sa leeg ni aling Sarzi “Ulul linggo ngayon, day-off ng mga Magdalena sa paborito mong kabaret noh?!” sambit naman ng misis nito, “sya sya ihanda na ang lamesa at kakain na tayo ng hapunan” hababol na sambit ni aling zarsi, at hinanda na ng dalawang anak ang hapagkainan, nilatag na ang placemat, pinggan sa ibabaw nito, mga kubyertos, at baso, nilagyan ng cube ice ang pitsel at binuhos dito ang isang litrong mineral water na pina re-fill ni aling Sarzi sa katabing refilling station ni Aling Sinang, handing- handa na ang lahat para sa hapunan, at umupo na ang tatlo sa kanya kanyang upuan, at ang aling Sarzi naman ay abalang abala sa pagsandok ng kanin, tinikman ang ulam at sinaran na ang lutuan, “hulaan natin kung ano ang ulam natin ngayon” nagging tradisyon na ng mag-aama ang hulaan ng ulam tuwing sila ay nagkakasamasama sa kainan “ang makakahula bibilihan ko ng ice-cream bukas” sambit pa nito sa dalawa nyang anak na sabik na sabik sa pustahan, “una na ako…” sambit ng ama habang inaamoy amoy ang usok na galing nilulutong putahe ng asawa, …*snip… *snip “ADOBO!” panatag na hula ng ama “Hindi!” sambit naman ng first-born, “nakita ko na nilalagyan ng pineapple chunks ung kaldero kanina eh” sabay ngiti “PININYAHANG MANOK!” maspanatag na hula kaysa sa kanyang ama, “TAMA!” sabat naman ni igno …*snip…snip* “naamoy ko ung gata at pinya… TAMA!” sabay high-five sa utol nito Clap*(*apir), “panalo na kami dad dalawa sa isa ang labanan… hahahha” sambit ni toyang na tuwang tuwa, “ok call… binabago kona ang usapan bukod sa ice-cream dadalan ko pa ng chiken joy… eh un eh kung tama ang sagot nyo…heheheh” dagdag ng ama at pakindat kindat pa sa dalawa nitong anak, makalipas ng ilang saglit ay ayun na nga lumabas na ang ina galing sa kusina dala ang nilutong ulam na nasa kaldero, “ang iingay nyo ano ba yang pinagkakaguluhan nyo ah” sambit ni aling Sarzi sa sa tatlo na parang mga anghel sa tahimik at matyagang naghihintay sa dala-dala nito habang nakaupo sa lamesa, sinusundan ng tingin ang ang bawat kilos ng ina at ang kaldero ng ulam na dala nito, at dumating na ang kanilang pinakahihintay, nilapag ng ale ang kaldero ulam at binuksan ang takip nito, at biglang “ADOBO!!!” “PINYANG MANOK!!!” “AYYY!!! HINDOT!!!... CRAaaSH!* (*tunog ng nahulog na kaldero sa lapag) at natahimik ang buong bahay.

Ilang saglit ay dumating si Melanie upang humingi ng tubig na mainit “Wow sarap kain ah… ano ulam nyo?” tanong sa apat na tahimik kumakain sa lamesa, at sabay sabay sumagot “ASIN!”