Si Adonis Mapagmahal - Chapter 3

Tsapter 3: A barrel full of monkeys (unggoy-ungguyan)

Umaga, tit* tititiiit* TiiiTiitiiiiT*( tunog ng alarm clock), nagising ang igno sa ingay ng alarm clock na naka set ng alas siete, Titiitiiiit* tiitiiitiiiT* Tiiiiiit*Tiiiiiii SPLAG!* (*tunog ng palo ng tsinelas na hinataw sa alarm clock… tit*) “umaga na pala, (yawn*)”, nag inat ng onti at binuksan ang pinto ng silid, gayun pa man kasabay nitong lumabas ang first-born na si toyang, napahinto ang dalawa, at saglit nagkatitigan ng mainam, “takboo!” nag unahan ang dalawa sa pag baba sa makipot na hagdan papunta sa nag iisang banyo sa kanilang bahay, yumanig ang buong bahay dahil sa unahan ng dalawang gandubal, “gising na sila” sambit ni aling sarzi na nagluluto ng agahan, sa isang banda ay parehas mabilis ang dalawa, parehas nagmamadali upang tanghaling banyo queen/king, ngunit sadyang isa lang ang magwawagi at ngayon ay araw ni Adonis, “tsk…shit!” sambit ni toyang na hindi matanggap ang pagkatalo sa dikitang unahan nila, “ganyan talaga ang buhay Whistle* (*pito)” payabang na sambit ng binata habang taas noong binuksan ang pinto ng banyo, Whistle* (*pito nya ulit) “bawi ka nalang bukas sis! … Bwahahahaaa!” at biglang sara ng pinto, hindi pa man nakaka pwesto ay may biglang nagsalita “mga bata wag maingay ah” sambit ni mang popz na nagbabasa ng tabloid habang nakaupo sa trono ni kulantro, napatahimik ang binata at biglang nagtakip ng ilong at mabilis lumabas ng banyo, “ano tapos kana?!” tanong ni toyang na naghihitay sa labas ng banyo, “hin-hi…pha!” sagot ni igno habang nakatakip ag ilong dahil sa amoy na di kaaya-aya sa loob, “bakit?!...” tanong muli ng naiinip na toyang, at tinanggal ni igno ang kamay na nakatakip sa kanyang ilong at bibig, at humabol ng hininga “MAY BUDDAH SA LOOB TUMATAE NG GINTONG TUNAW!”

Sa loob ng banyo kung san nakaluklok na si igno, Tog! Tog! ToG!* (*katok sa pinto) “bilisan mo ah!” sambit ng toyang na nag hinitay sa labas ng banyo, “Saglit lang ako!” ngunit parang tuso talaga ang binata at gusto pang mang asar, naispan nito na labahan ang kanyang suot na damit upang umangkat ng oras, para matagalan at mapikon ang talunan na toyang (*ugali na ng dalawa ang mag-tagalan, upang mainis ang talunan sa habulan), kusot! , Piga!, kusot!, tuloy ang pagpapakasasa ng binata sa banyo. Hanggang, Tog! Tog! TOG! “ANG TAGAL MO HUDAS!” sambit ni toyang na inip na inip na nag hihintay sa ignong tuso, “oo tapos na!... tapos na ko na labhan ung brip ko… bwahahahaa” sagot ng igno habang sumisipol at nang aasar, kaya sa sobrang kainipan, kapikunan at kaasaran ng first-born naisipan na lang nito na sa bahay na lang ng pinsang si Melanie makiligo, SLAGAG!!* (*tunog ng sinipang pinto) “HUDAS… MAY ARAW KA DIN” sabay alis ng pikon na panganay.

Ilang minuto lumipas, at nakatapos din ang igno sa kanyang paliligo at nagpatuyo, ng biglang nyang naisip na “shit ang towel ko… tsk naiwan ko sa kwarto!” sambit ng igno sa sarili, “patay! Pano ako lalabas nito tsk!” sambit muli sa sarili habang naghahanap ng alternatibong pantakip sa kanyang hubad na katawan, basa na ang t-shirt, short, at brip na kanyang nilabhan maka-kaylan lamang, kaya’t wala ng ibang maisip na paraan kundi ang umiskapo sa banyo na labas ang kanyang pagkataga-lupa, “bahala na maleleyt nako… tsk” kaya dahan dahan nitong binuksan ang pinto skweeeeek* (*tunog ng pinto na marahan binuksan), nilabas ang ulo upang mag masid-masid sa paligid, tingin sa kaliwa “ walang tao sa sala… yes!” sabit nito sa sarili na nabubuoan ng loob at tumingin sa kanang bahagi “nakupow!... si nanay nasa kusina… si tatay nasa mesa nag babasa… may kausap kaya hindi nya mamamalayan… aus ligtas” at sinaran ng marahan ang pinto ng banyo skweeeek!* (*tunog ng pinto na marahan sinarado), at naghanda na nga ang igno para sa kanyang gagawin indecent exposure, at “isa…dalawa… tatlo!” sabay bukas bigla ng pinto, gulat na lang nito ng makita nya ang kanyang 3yrs old na panangkin na si panday na nasa harapan ng pinto at napatitig sa kanya, na sa gulat ng bata ay nahulog ang tsupeta na nakasubo sa bibig nito, at biglang simigaw “ TitO LaBas aNg Tet…J Mo!!!” (*nyahehehe) nagulat ang lahat ng nasa kaliwang bahagi ng bahay sa hubad na pagkatao na binunyag ng isang sigaw ng 3yrs old, natulala ang lahat sa kanilang nasaksihang exhibition, pulang pula ang buong katawan ng binata dahil sa kahihiyan, at biglang tumakbo ng mabilis papanik sa kanyang silid, dala-dala si panday na ginawa nyang pantakip, talop na saging “oh my god pare si adonis ba un?... yummy ah.. “ at napatingin bigla si Mang Popz kay Bogard na kanyang kaharap “ ahem… pre ano ba yang anak mo ah?... malaswa!” biglang laki ng boses ng gym instructor, “pak yu!” sagot ni mang popz sa G.I sabay hampas ng dyaryo sa ulo ni Bogard *SPLOK!.

(*B/M: Blue-jeans by: APO Hiking Society) Quarter to 9am na at nagmamadaling nagbibihis ang igno, sinuot ang polo, slacks na pantalon at ang favorite nyang high-cut na chuck tailor, naglagay ng tawas sa kili-kili, at nagpabango* (*singhot!...hmmm amoy baby!), sabay nag lagay ng gel para almirolan ang buhok, ayos na ang porma, at masinsin nilagay ang gamit nya sa iskwela, ang mga papel, at lapis, ballpen, pentelpens, mga brush, at binder, project sa composition na sinuksok nito sa kanyang 24”x24” na shoulder bag, sabay kuha ng makapal na College English na libro na bagong bago pa ang balot*(*halatang hindi ginagamit ng may-ari ang libro) at para pang finale ay tumingin sa salamin at bumangit ng… “ang gwapo mo talaga Ad-ddo-niii-ssss” ng may biglang “si tito labas tet…J… si tito labas tet…” paulit ulit na sambit ng 3yrs old na parang walang kamalay-malay na naglalaro sa kanyang silid (*hahahahaa LSS J) “siii… Tiiitooo… labasSS… Teeet… SLOopp!*(*tunog ng tyupeta na sinubo sa bibig ng bata) at bumaba ng hagdan ang binata, bit-bit ang makulit na panday sa suot na diaper nito.

Sa ibaba ng bahay ay naabutan ni igno na nag kakainan ng almusal sila, Aling Sarzi na katabi ni Mang Popz na katabi ang first-born na si Toyang na katabi ang Gym Instructor *(G.I) na si Bogard real name: Bernardo Cruz y’Makisig at nagkakatuwaan, “hoy igno kumain kana, at mahuhuli kana sa iskwela” sambit ng ina na nakangisi sa binata na pawang nag aasar, “oh… dito kana… oh” sambit ni bogard na hinatak ang katabi nitong upuan, “ah…ok… salamat” sambit ng igno na dahan dahang umupo sa katabing upuan ni bogard,“ alam mo igno may potensyal ka, minsan pumunta ka sa Gym ko tuturuan kita mapalaki pa ang potensyal mo” sambit ng G.I sabay ngiti sa binata at kinukurot-kurot ang kanang braso nito na pawang pinanggigigilan, at napatingin ulit si Mang Popz sa sinabi ng Bogard “ahem…ubo*…Ubo*… ah igno paki-abot nga ung hotdog mo… este… ung longganiza… este ung itlog mo pala… ng makain na yan (/GG)” napalingon ang binata at na nabigla sa nasambit ni bogard “…ah…eh ang ibig kong sabihin eh ung hotdog at itlog sa harap mo paki abot…” at hinampas ng marahan ni Bogard ang binti ni igno, sabay sambit ng “sumasakit kasi ung braso ko eh kakabuhat ng barbels” dag-dag pa ng G.I na may pahawak hawak pa sa kanyang bumubukol na braso, at marahang hinimas ang binti ng binata at “lam mo igno… kailangan lang natin patigasin tong… mga binti mo eh” kagat-labing sambit ng G.I na nakatingin ng malagkit sa bandang baba ng kinauupuan ni igno, “sa gym ko ah punta ka ah…(*kindat)”, sambit sa pobreng igno na hindi makain ng maayos dahil sa kahindig-hindig at kahina-hinalang kinikilos ng G.I (*B/M: This guy is inlove witho you pare! By: Parokya ni Edgar), napatingin si Mang Popz at “ahem…ah pare maiba ako… totoo ba ang nababalitang bading ka daw kaya iniwan ka ni Jopay?” pabirong tanong ni Mang Popz habang hinihigop ang kanyang mainit na kape, “AVAHH!!! ANOE?...SPLAG!*(tunog ng lamesang hinampas), nagulat si mang popz sa biglang sagot ng G.I at natapunan ito ng hinihigop nyang kape, “ubo*..ubo*…ahem… ABA!!!... AKO BADING!?... SINU NAG SABE… SABIHIN MO… JOJOM… este… UUPAKAN KO!” pandidipensang sambit ng Bogard, “PUTA! ... PRE! ... BLAG!* (*tunog ng lamesang sinuntok) DI BA NILA NAKIKITA ANG PAGKALALAKE KO?!” dagdag n a sambit ng galit na Bogard habang pinagmamalaki ang kanyang nag uumbukang biceps, at triceps, “LALAKING LALAKE AKO PARE...LALAKE” ng biglang “AAAAYYYYYY!” sigaw ng G.I na parang babaeng ginagahasa, laking gulat ng Bogard ng may biglang humawak sa kanyang batotoy “si tito labas tet…J … si tito labas tet…J” sambit ng nakatawang panday na nasa ilalim ng lamesa (*Confirmed! ... Certified PAMINTA! ang G.I J).

Pagkatapos mag-almusal ay nagmamadaling umalis si Igno, “PUTCHA 9:15am NA!” at humahangos na naglalakad na lalo pang tumutulin dahil hinahabol ang oras, parang may pakpak ang mga paa nito patungo sa sakayang ng dyip ng “ADONIS!” tawag ni Balolong na katulad nyang hinahabol ang mabilis na oras, “oi pre!... tara sabay na tayo” sambit ng Adonis at gayun nga ay sabay sa paglalakad ang dalawa, pagdating sa sakayan ay meron silang kinaharap na isa pang problema, sa sakayan ay marami ding naghihintay ng dyip, mga empliyado at mga estudyante na tulad nila huli na din sa unang klase nila,limitado ang mga dumadaan na dyip at bawat mapadaang dyip ay punong-puno, “badtrip! Late nako” panggigigil na sambit ni igno habang bahagyang kinakamot ang inarmirolang buhok nito, “oo nga eh” sabat naman ni Balolong na walang humpay na tumitingin sa kanyang relos, “bakit ano ba first subject mo?” tanong ni Balolong sa binata,“ENGLISH” sagot naman ng Adonis, at dumukot sa bulsa nito si Balong “oh… ito” abot ng kaibigan sa kanya “ASPERIN!... aanhin ko to?” nagtatakang sambit ni Adonis, “para kung sakaling mahilo ka sa subject mo… hahahah” pabirong sambit ni balolong, at dumukot din ang Adonis sa kayang bulsa “oh eto” abot naman ni Adonis sa kaibigan, “LIMANG PISO?... anong gagawin ko dito?” tanong ng nagtatakang Balolong, “PAMBILI MO NG KAUSAP… BUSIT!”.

Ilang saglit pa ay mataimtim na naghintay ang dalawa, hanggang may dumaang sasakyan na kalalabas lang galing ng garahe “AYUN!!! PRE WALANG LAMAN!!!” pasigaw na sambit ni Balolong, gayun pa man ay napatingin ang ibang mga naghihintay ng masasakyan at nagtakbuhan sa kinaroroonan ng bakanteng dyip, “TAKBOOO!” nagkaroon ng karambola sa kalsada, lahat ay nagsiksikan upang makasakay sa nagiisang bakanteng dyip na parang kending nilanggam, “ok na sana Balong eh… kaso sablay ka pa din…tsk” at nakipagsiksikan ang dalawa upang makasakay sa pawang delata ng sardinas na dyip, gayun pa man ay nakasakay ang dalawa ngunit isa lang ang maaring makaupo, “oi Adonis… sumabit ka na lang” pangiting sambit ni Balolong kay Adonis na pilit sinisiksik ang sarili sa kapiranggot na puwang ng upuang pang siyaman lang, kaya tumayo na lang ang binata at “hudyo!” sambit ng paurong na adonis patungo sa estribo ng dyip, hindi pa man nakakaatras ng maayos ang binata nang bigla umarangkada ang dyip na kanilang sinasakyan at aksidenteng natisod ng isa sa mga paa nahambalang sa sahig SswEeep!*(Tunog ng natalisod na Adonis),at napaatras ng mabilis patungo sa labasan ng dyip, buti na lang ay may biglang humawak sa kanya bago pa man sya mahulog ng tuluyan sa labas ng rumaragasang dyip, masyadong mabilis ang pangyayari hindi agad nakabangon ang binata kaya ilang saglit ay niluklok ang sarili nito sa binti ng taong sumalo sa kanya na parang walang nangyari, sya ay napakurap ng saglit at di na tinanaw kung sino ang nagmagandang loob na sumalo sa kanya, “nakakahiya… ka Adonis” sambit ng binata sa sarili na medyo kinabahan at pilit tinataboy ang kudlit na eksenang iyon, aktong tatayo na sana ang binata ng biglang “… oh bakit?... ok lang … kandong ka lang sakin..” sambit ng taong kanyang kinaluluklukan at nakabingkis sa kanya ng mahigpit, isang pamilyar na tinig, ang tinig na hinding hindi nito makakalimutan, “nakup!...Shit” muling sambit nito sa sarili at mabilis na kumalas sa pagkakabingkis, hindi sya nagkakamali, hindi na dapat mag-isip, iyon nga ay ang malambot na tinig ni “BOGARD!!” pasigaw na sambit ng binata na gulat na gulat, at sabay tayo sa pagkakakandong “ah hinde na… sabit na lang ako!”(*points for Bogard! Ting! Ting! Ting! J).

Sa iskwelahan, 9:00am first subject ni igno ngunit 9:35am na ng makarating sa iskwelahan, ENGLISH 101 at as usual huli ang igno sa pagpasok sa kanyang favorite subject, humahangos na hinahabol ni igno ang unang klase nya “shit patay na naman ako kay Ms. Marqueta, real name: Ms. Marqueta Marquez y’ Biglang-gajasa, ang terror teacher ng academic subject sa kanilang kolehiyo, “shit… shit… shit” sambit sa sarili ni igno habang iniisip nito ang maestra, at gayun na nga at nabutan nito na nag susulat ng kanilang leksyon ang terror na maestra sa pisara, sumilip si igno sa pintuan sa likodan ng kanilang silid, napaka tahimik ng lahat parang mga anghel na dinala ni san pedro sa impyerno, walang nag-iingay o naguusap man lamang BLAG!!!* (*hampas ng Libro sa Teachers table) malakas na hampas nito ng kanyang English book sa lamesa, “Mr. MAKUNATAN! STOP CHEWING THAT GUM!” galit na sambit nito habang nakaharap sa pisara, ganyan kalakas ang pakiramdam ni Ms. Marqueta na parang esperitista at “Ms. APARI!... STOP TALKING TO YOUR CLASSMATE!” pawang paniki sa lakas ng pandinig, ang lahat ng nasa kanyang klase ay pawang takot na takot kay Ms. Marqueta na abalang abala sa pagsusulat, “JUSKO TULONG!” sambit sa sarili ni igno at bahagyang nag dasal, at lakad pusa syang nakipagsapalaran patungo sa kanyang upuan, ngunit di pa man nakakarating ay “Mr. BENIGNORAMOS!... YOUR LATE AGAIN?!” sambit ni Ms. Marqueta habang nakaharap sa pisara, “nakup!… hindot…” sambit ng binata sa sarili na biglang napahinto sa kanyang posisyon, at dahan dahang humarap sa binata “AND WHATS YOUR REASON THIS TIME HUH?! blAh!... BLah!... blaH!... BlaH!*(*English ng ngawa!...ngawa…ngawa!... J) ” at patuloy na pinapagalitan si Igno ng English teacher nito, hindi pa man nakakatapos ang maestrang mag litanya, ng nakayukong tumalikod ng marahan ang binata, ng biglang “MA’AM!!!” Sigaw ng isang kaklase “DUMUDUGO ILONG NYA!!!” at biglang BLAGABAG!* (tunog ng bumagsak na Adonis) NURSE!!!!

At makalipas ng ilang minuto, nag simula na ang patuturo ni Ms. Marqueta, “ok before we begin on our next chapter lets have a short recap about our previous lesson… Mr. Benignoramos!!!” Tawag ng maestra sa namumutlang Adonis na sumisinghot ng white flower “yes Ma’am!” sagot ng binata na may nakapasak na bulak sa ilong nito, “would you please give me a sample of a NOUN sentence” hiling ng maestra kay igno na nakatitig sa kalangitan na pawang nagdadasal,”hmmm… Ms. Marqueta is beautiful” sagot ni igno na may kasamang kindat sa maestra “oh very good Mr. Benignoramos… and a very good sample” tuwang tuwang sambit ng mestra (*flattered ang terror na guro), “why thank you Ma’am“ taas noong sambit ni Igno habang pinapahiran ang dugo sa ilong nito, “now Mr. Benignoramos, give us a sample of TAG QUESTION using the same noun you gave” saglit napag isip ang binata hanggang “Ms. Marqueta is beautiful, Is she not?” (*oups! J sablay), isang saglit pagkatapos sumagot ng binata nag patuloy ang klase ni Ms. Marqueta at si Adonis ay nasa labas ng classroom. (B/M: hari ng sablay by: Sugarfree)

Ilang subject pa ang pinagdaanan ni adonis at dumating na ang oras ng kanyang pinak hihintay ang oras ng kanyang pinaka favorite subject KkRRRRIIIIIIIIIIINNNGGG!*(*tunog ng school bell) ang VACANT, ang bakanteng oras para sa mga istudyante upang nakapag pahinga at makakain para sa kanilang susunod na klase, sabay saba ang labasan ng mga estudyante sa kanikanilang mga classroom, may mukhang masaya, at may mga mukhang zombie na sa kaboringan sa subject nila, at ang iba ay ung wala lang sakto lang, parang natutulog lang sa klase na kung saan nakapaloob si adonis na lumabas ng classroom na pupungas-pungas pa “BUuuuWwwwAAAhH!* (*hikab ni Adonis)… sa wakas!” at naglakad patungo sa kanyang paboritong spot sa iskwelahan ng “oi Igno san ka punta?” sambit ni Kristal realname: Kristalla “Tala” Azuncion y’ Tengco, vitals: 32” 26” 31” ambition: to be an Supermodel someday, ang bunsong anak nina Betty at Guilmore Tengco, na kapatid ni Apolonia “Apple” Azuncion y’ Tengco, ang Atenistang panganay (*scholarship holder), di tulad ng nakakatandang kapatid si Kristal ay ang spoiled brat sa magkakapatid,at Campus-Crush na ngayo’y tuwang-tuwa ng nakita ang binata sa pasilyo ng eskuwelahan at pawang gusto itong isabay sa “canteen” sambit ng binata na iritado sa palapit ng dalaga “sabay tayo kumain, may niluto ako eh… kaso napadami… kung gusto mo hati tayo? Giiiigiiil* (*kilig)” sambit ng dalaga na may pagpapacute pa sa binata “ayaw ko baka gayumahin mo pa ako mahirap na mapikot” pabirong sambit ng binata “ nasa lahi pa naman namin un… tsk...tsk” dag dag pa nito na pailing-iling, “HUH?!” nagtatakang sambit ng dalaga “alam ko na yan Tala… nawawalan kana ng pag-asa kaya gagayumahin mo nalang ang ako diba?!..diba?!...Diba?!” sambit ng binata at nilapit ng bahagya ang mukha kay Kristal na biglang nagpalit ang itsura from cutie to agressive, at biglang nagdidilim ang paningin ng dalaga dahil sa galit, at SPLAG!... CLANK!... CrRRaaacCk!... AaRrikuu!!* (*tunog ng ibong hinataw ng aluminum na lunch-can J AwTSs!) at umalis si Kristel iniwan ang Ignong basag ang kaluluwa at maluha-luha sa sakit, (*B/M: Wasak na Wasak (Total-Wreck) by: RadioActiveSago) gayun pa man ay nakasalubong ni kristel si balolong na galing sa kanyang katatapos lang na klase sa kabilang building at nagsambit ng “Hi Kristalla… ganda mo ngayon ah kindat… kindat*” sambit ng preskong Balong sa nakasibangot na dalaga “TSCHEEEEH!!!” pasigaw na sagot ng chic sabay snob sa bumating balolong, “Hala ano problema nun?..’ marahang sambit ng kamot ulong nagtatakang balong at bigla nitong nakita ang lupay-pay na Igno sa tambayan nilang bench, “oi pre kamusta… nakita ko si kristel ah!” sambit ng balong sa binata “TSCHEEEEhH!!!” sabay tiklop ulit ni Adonis sa bench, ilang saglit pa ay dumating si Batik “Yo!... whats up guys!?”… “TSCHEEEEEEH!” sabay na sigaw ng dalawa.

Sa canteen na kung saan kumakain ang mga estudyante, at sa pagkakataon na ito ay kasabay ni Adonis si Balolong at Batik na kakain, umorder na ang tatlo at umupo sa lamesa ng canteen “may kasabihan nga tayo… What you eat is what you are” pagmamalaking sambit ni balolong “kaya ang inorder ko… Sizzling Sisig… kasi puno ng aksyon ang buhay ko… Im sizzled for action” dagdag pa ng Balong habang hinahalo ang dumating na order nito, “ako Bicol-Express … kasi im HOT hahahhaaa” sambit ni Adonis na pinapaypayan ang sarili, “ikaw Batik ano inorder mo?” Tanong ng dalawa sa kasamahan na tahimik at walang kaimik-imik, ng biglang dumating ang waiter “Oh ere na ung Inihaw na Puwit ng Manok mo!” napangiti si Batik, tahimik na lang ang dalawa, ng ilang saglit pa ay dumating si Kristal na iba na ang aura nito “Hiiiiyyyyiiii Igno!!!” sabay upo sa tabi ni Adonis at nagpamalas ng malagkit na tingin, “YaaAYKkS!” gulat na sambit at bahagyang layo sa tabi ng dalaga na maykinorteng krus ang daliri na pawang nagka truma sa pangyayari kamakaylan lang, “hi kristalla” sambit ni balolong ngunit di pinansin ng dalaga, “hi Tala” bati naman ni Batik, “TSCHEEEEEEH!!!” sagot naman ng dalaga, at muling lapit ng kristal kay adonis at pilit pinagsisik-sikan ang sarili sa tabi ng binata na nakapo sa maluwag na bench ng canteen, sabay lambing dito “ Sorry na Igno di ko sadya… ikaw naman kasi eh… masakit pa ba?” sabay akmang hawak sa… “NAKUP!... HWaaAagGGg!!!... HINDI… HINDI… NA… ONE IS iiINAP!!” biglang sigaw ng binata na takot na takot sa bawat kilos ni Kristal,”ikaw talaga oh…”sambit ng dalaga sabay SPLAG!*(tunog ng siko nito na tumama sa balikat ni igno) sa lakas ng pagkaka-siko nito ay Toink!...Tog!... ARayKup! (*tunog ng ilong na tumama sa ulo) nagkauntugan ang matangos na ilong ng binata at katabi nitong si balolong, “NAK NG!!”… SPLAG!* (*tunog ng hinampas na canteen table) “LUMAYO KA TALA UUPAKAN NA KITA!!!” sigaw ng Adonis naka akmang manununtok habang ang isang kamay nito ay hawak ang sumasakit na ilong nito, “OI!... PARE KALMA… KALMA LANG” mabilis na awat ng dalawa kay Adonis na namumula na sa galit, “KALMA ADONIS… Kalma…easy…” pakalmang sambit ng binata at biglang umupo muling umupo sa bench, “ay sorry na igno… sowie na wink… Wink (*pa-Beautiful eyes ni Tala) kiss ko gusto mo? Hihihihii… ” paumanhin at lambing ng chic habang nakangiti at hinihimas ang likod nito na pawang minamasahe ang binata, “WAG NA OI!!! Baka may makakita sabihin nila kaladkarin ako!!!.... I’M NOT FOR SALE TALA… FOR RENT MAYBE!” taas kilay na sambit ni Adonis na iretado kay Kristal nakangiti at nagaalab ang tingin sa binata, “gusto mo sabay tayo umuwi? Giiiiigiiiiill (*kilig)” rekominda ni Kristal kay Adonis na iniiwas ang naka de-kwatro nitong binti at tinatakpan ng binder ang bahagya ng kumikirot na harapan, “hinde pede Tala eh… may lakad kami ni Balong eh… diba Balong?!” sambit ni Adonis na patagong kinakalabit ng siko nito si Balolong “HUH?!... MEro… AREKUP!!... meeeEEEroOon nNgaA!” pilit na sagot ni balolong ng biglang piniga ni Adonis ang ibong adarna nito, “ah ganun ba sige next time na lang…tsk…” malungkot na sambit nito na nanghihinayang, “AKO! Tala, walang lakad sabay tayo umuwi! (/GG)” biglang sabat ni Batik, “TSCHEEEEEEEEH!!!!” sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

KkRRRRIIIIIIIIIIINNNGGG!*(*tunog ng school bell) hudyat na tapos na ang VACANT, tapos na din ang maliligayang panahon ng tatlo “hala tala…mauna kana nga at baka ma-layt kapa!” sambit ni Adonis habang nililigpit ang pinagkainan, “oki-dokies!” sagot naman ni Kristal habang inaayos nito ang kanyang mahabang buhok, at biglang marahang kinakalabit si Adonis, nang makalingon ang binata “Anoooo baa un… Kiss*… ummmp!” ninakawan si Adonis ng halik ni Tala sa pisngi nito, sabay pahid ng binata sa hinalikang pingi nito sabay “byeerrrz igno! Hihihihi…”paalam ni Kristal sa nahinto sa gulat na binata sabay na mabilis tumayo at umalis,“Eeeeewwww!” sagot ng igno na pinapahiran ang pisngi, at ng makalayo na ang chic ay “Gagu un ah!... na iskoran ako ah (*talagang may ganu’ng factor diba!? J) …Tara na nga!” inis na sambit ni Adonis sa dalawang kaibigan na hindi makapaniwala sa nangyari at tulo laway na nakatulala “pwuuh! dyan na nga kayo sus!” at umalis ang yamot na binata, iniwan ang dalawa na napatunganga.

Ilang subject pa ang lumipas, ilang milyong brain-cells pa ang nasunog bago dumating ang pinakahihintay ni Adonis, ang KkRRRRIIIIIIIIIIINNNGGG!*(*tunog ng school bell) ang pinaka magandang tunog pag dating ng dapit-hapon, ang hudyat ng “that’s all for today class goodbye” ang isa sa mga magagandang sinabi ni Mr. Azul sa katapusan ng kanyang klase ang huling klase para sa arawna ito, “UWIAN NA!.... yahoooy!!!” pasigaw na sambit ni Adonis pag labas nito sa kanyang classroom, at sabay punta nito sa tambayan kung saan nandoon ang buong tropa, si Balolong, at si Batik na hinihintay si Adonis “hay!... Tara daan tayo kay Ervin (/GG)” hindi pa man nakakasagot ang dalawa ay meron ng tumawag sa pangalan ni Adonis “ADONIS!...” ang pinaka magandang tinig na kanyang hinahanap-hanap simula pa noong huli nilang pagkikita sabay lingon ng binata “AURING?!” (*B/M So it’s you by: Raymond Lauchengco) gulat na sambit ng pangalan nito na halos di mawalay ang ngiti sa mukha nito “panong?!...” tanong ng binata “Im a transferee here… I just come to submit my requirements… im officially enrolled and tomorrow is my first day hihii..” sagot ng dalaga kay Adonis na walang imik na nakatitig sa dalaga, di mabasag ang lagpas tenga nitong ngiti at ang tuloy-tuloy na agos ng dugo nito sa ilong *snip…snip*(*singhot nito sa dugong umaagos) “ha-ha-ha! Ok!” dagdag na sambit ni Adonis na namumutla, “well i have to go Sweety… my mom gave me lift… she’s at the school’s parking lot waiting hahahaa… “ sambit ni auring sa binata at nagpaalam “bye Adonis… see you tomorrow ayt?” sabay hatak ng bahagya sa bangs ng binatang duguan ang ilong at tuluyan ng umalis “b-b-b-ye…” sambit ng adonis at humarap sa dalawa nitong kaibigan at BLAGABAG!*(*nanaman?!) NURSE!!! Sigaw ng dalawa. (*lag ang utak ni Adonis alam na)