Tsapter 6: Down the Hatch (Ang Acquaintance Party 1.0)
Biyernes maagang pumasok si Adonis alinsunod sa dahilang alam nitong shorten period lang ang klase sa skwelahan, dahil ginaganap ang foundation day at upang mapaghandaan ang gaganaping Aquaintance Party kinabukasan, excited ang lahat, bawat isa’ng estudyante ay pawang may ngiti sa kanilang mukha, bawat kanto at tambayan ay ang pagtitipon ang usap usapan, ngunit habang nakangiti at sabik ang mundo ng paaralan, ganun naman ang lungkot at dalamhati ang nadadama ni Adonis, (*B/M: Lost guide by: Pupil) “Hays… tsk!” bugtong hininga ng binata habang naglalakad at pawang sya lamang ang walang pakielam sa kasiyahan ng kanyang paligid na nilalakaran, ngunit gayun pa man nagpatuloy sa paglalakad ang binata patungo sa kanilang silid aralan.
Freehand Drawing ang unang subject noong umaga na iyon, kaya halos napahinga ang utak ni Adonis dahil hinde English 101 ang unang subject nito noong umaga na iyon, ngunit hinde pa rin nilubayan ang binata ng mga nag kukwentuhang kaklase nito tungkol sa gaganaping pagtitipon, light sequence, at shading ang tema ng subject ngunit pawang wala sa tema ang mood ng binata, makalipas ang ilang oras na pawang napaka haba sa binata ng biglang nag *RriiiiiiiiiiiiNnnnggGG! ang kampanilya ng eskwelahan hudyat ng pagtatapos ng klase para sa araw na ito, at gayun nga ay sabay sabay na naglabasan na ang mga estudyante sa kani-kanila’ng silid upang makipag halubilo sa dinadaos na foundation day ng eskwelahan, huling lumabas ng silid ang nakalugmok na Adonis pawang wala sa kanyang sarile, at nakayukong naglalakad sa nagkakagulong corridor ng kanilang kolehiyo, makalima at ilang pang hakbang palayo ng pintuan ng kanilang studio ay pawang mayroo’ng kumurot sa kanyang kukote “hmmm… teka parang may kulang” sambit ng binata sa kanyang sarile habang chi-ne-check nito kung meron sya’ng naiwan sa silid, “hmmm… wala naman… wala to guni-guni ko lang to… pero… parang may kulang talaga eh” muling nagtatakang sambit ng binata sa sarile, at muling naglakad pabalik ng kanilang silid habang patuloy na inuusisa ang kanyang dalang bag, gayun pa man sa hinde inaasahang bagay ay biglang nakasalubong nito si Ms. Marquetta na palabas sa kanyang silid “AY!...JUSKO!” gulat na sambit ng Ginang at kasabay nito ang gulat na sambit ni Adonis “AY!... KABAYO!!!”… (*B/M Banal na aso, Santong kabayo by: Yano)“ah… eh… go…ggood afternoon po Ms. Marquetta (*ngiti) he… he.. he” sambit ng kinakabahang binata, ngunit isang matalim na irap lang “Hmp!...” ang sagot ng ginang sa binata at tuluyan ng umalis, “hay… buti na lang… hayaan na nga” at tuluyang naglakad si Adonis patungo sa tambayan.
Sa tambayang bench naabutan ng binata ang dalawang kaibigan nito na nag uusap sa at nakatitig sa kanya at pawang naka-ngiti “Oi pre ano handa kana ba?” tanong ni Batik na tila excited at handa’ng handa na sa occasion, “Ako ready na… nakabili nakabili nako kahapon ng damit sa SM, hinde ko na kayo na antay kasi kasama ko si Anna” sagot naman ni Balolong na abalang abala sa pag kalabit ng kwerdas ng gitara nito, “Hmmm… ako hindi ko alam… mukhang hinde ako makakapunta bukas” tugon naman ni Adonis na sinisipa-sipa ang mga damo sa kanyang paanan, “OH BAKIT?!” sabay na tanong ng dalawa nitong kaibigan, “Eh… ano eh… may ka-date na pala mamaya ung niyaya ko ko eh… ano pa?... tsk… malas” tugon naman ni Adonis sa mga nagtatakang kaibigan, ilang saglit pa na di inaasahan ay dumaan si Auring sa kanilang harapan na pawang walang nakitang kakilala “Hi Auring!” bati ni Balolong at Batik ngunit tanging yuko lamang ang bati ni Adonis sa napadaang dilag, “Oh hi Balolong… hi batik” sagot ng dalaga na kapansin pansin na hinde nabanggit ang pangalan ni Adonis na kasama ng dalawa, “oh total nandyan na kayong dalawa heres some ticket for the booths… hinde ko na magagamit kasi hinde rin ako magtatagal and…” hinde pa man natatapos ang sinasabi ng dalaga ng may *Beep!...Beep! (*busina ng sasakyan) at biglang pumarada ang isang itim na Montero Sport sa kanilang harapan, bukas ang magkabilang bintana kaya kitang kita ang nagmamaneho nito sa loob, at iyon ay walang iba kundi si Winandro Arugante (*B/M: Mr. Swabe by: Parokya ni Edgar) na preskong-presko sa suot nitong signature na polo-shirt at Oakley na shades, “Ready to go Babe?..” sambit ni Andrew na nakasakay sa sasakyan, “Hmm wait up…” sagot naman ni Auring habang inaayos ang dala nitong shoulder bag, “Hmmm got to go guys… take care! (*smile) “ sabay bukas pinto ng passenger seat, sumakay sa sasakayan ni Andrew and dalaga, “Byers!” paalam ni Auring sa dalawa at matalim na snob naman kay Adonis (*B/M Kung maibabalik ko lang by: Jay-R) na nakalugmok sa isang sulok ng tambayan sabay alis ng sasakayan, lalo pang umintig ang loob ni Adonis sa pangyayari na hinde nya rin inaasahan, “Oh dre ano minumukmok mo dyan?” tanong ng dalawa sa nakasubangot na kaibigan, “Ah… wala… ok lang ako… hehehe… (*plastic na ngiti)” lumapit ang dalawa sa binata at pinalubag ang kanyang loob “Sus!... ok lang yan Kaibigan… diba niyaya ka naman ni Talla diba?... diba?... ok na din un pre (*ngiti)”, sambit ni Balolong na naka akbay sa balikat ng binata, “At balitang balita na sa buong Campus na ikaw daw ang partner ni Talla sa Ms. Campus Crush inauguration bukas yeeeeee!… hehehehehe” sabat naman ni Batik na may kasamang mapang-asar na ngiti at panay ang tapik sa balikat ni Adonis, “ANO!?... KANINO NYO NABALITAAN YAN… PUTCHA HINDE KO ALAM YAN TANGNA NAMAN OH… HOH!” pagalit na sambit ni Adonis sa mga na ngangantsaw na kaibigan nito, “Hinde mo alam dre?... nanalong Ms. Campus Crush si Talla… sus dre parang hinde ka taga school at hinde mo alam *winks (kindat)” patuloy ni Balolong na ngayon ay halata na ang ngiti sa mukha, “At pre!... ikaw ang pinalad namaka partner nya sa ball!!!.... yeeeeeeeeee giiigiiiiillll *kilig (kilig‘aso)” sabat naman ni Batik na hinde maalis ang mala-tuso’ng ngiti sa harap ng binata, “Hmmmm… Ganun ba… Saglit ah” paalam ni Adonis sa dalawa, “Oi pre san ka pupunta?” tanong ni Balolong sa nakayukong umalis na binata “Sa Banyo… Magpapakamatay!” … “Sama ko pre!... hehehe” sabat ni Batik, at patakbong tumungo kay Adonis at umakbay sa balikat nito at gayun nga ay nagtungo ang dalawa sa malapit na palikurang pang-lalake.
Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Adonis sa tambayan na pawang naka ngiti, “Tara sa mga booth na tayo! (*smug)” ya’ya ng binata kay Balolong na pawang may gustong itanong, “Pre si.. *nevermind” napigilang tanong ni Balolong habang binabaybay ang daan palayo ng tambayan, ngunit nakaka ilang hakbang pa lamang ang dalawa ng biglang may sumigaw “NURSE!!!... MAY NAKA HANDUSAY SA BANYO!!!”, napatingin si Balolong sa naka ngiting Adonis “Ano pa?...Tara na… *wink (kindat)” sambit ni Adonis na pawang nakatawa. (*alam na… kawawang Batik)
Nang hapong iyon ay hinde mapalagay ang binata, dahil sa balita na kanyang na sagap sa mga kaibigan nito, gayun pa man bawat mata ng mga kalalakihan sa campus ay pawang nakatingin sa kanya na mukhang may hinayang at inggit, gayun pa man hinde na rin magantihan ng tingin ang mga ito, “Asan na kaya ung babaeng un?...” tanong ni Adonis sa kanyang sarile, patingin tingin sa magbilang kanto ng campus, habang kasabay si Balolong pauwi “hayaan na nga … bukas na lang” muling sambit ng binata at patuloy nag lakad hanggang sa terminal ng jeep, at din a nag alintana na sumakay ng sasakyan ang dalawa, hinde mapalagay ang si Adonis nais nyang makausap si Talla tungkol sa nabalitaan nitong chismis kaya hinagilap ng binata ang nakatagong notebook sa kanyang bag upang repasuhin ang nakalipas na oras na hinde nagparamdam ang dalagang si Talla,
Class Schedule:
10am Freehand Drawing – Mr. Luie - thank you Lord hinde Eng. 101 ang first subject sa araw na to! - (*ito ang mga araw na hinde na la-late si adonisn . Aus!)
12nn Vacant - favorite subject… first time kong walang surprise hug galing kay talla. Good!...
1pm – 3pm Roller Coaster na Catterpillar na parang Bumpcar – ang isa sa inarkiladong rides ng school para sa foundation day na kasing bagal ng kariton ni Bentot na magbobote’ng dumadaan sa kalsada namin, walang adrenaline rush di tulad ng rides sa Star City, pero ramdam mo ang feeling ng pagsusuka ka dahil sa hilo sa mabagal na pag ikot ng mala karitelang ride na ito, malas mo pa pag nasukahan ka ng kaharap mo sa cart… nahilo lang ako… hinde pa din nag paparamdam si talla… hmmmm
Kissing Both – para sa libreng kiss sa halagang 5 pesos… 2 kissmark sakin, 3 kissmark ke balolong, “oh Batik, bat kalahati lang ung iyo?!”
Prison Booth – wag kang aapak sa mga bilog na nakakalat sa ground kung hinde may marshall na magpoposas sayo at ikukulong ka sa booth 10 pesos bail… hahaha sa laki ng mga bilog sa ground tanga na lang ang hinde makakita noon… “POTEK! BATIK PANG LIMANG HULI MO NA YAN AH! *TSK TSK TSK!”
Lovers Booth – manghuhuli ang marshal ng kahit na sinong babae at lalake bail 10 pesos at kailangan mag kikiss muna bago makalabas ng booth, kakunchaba namin ang mga marshal dito, pag cute ung chik, bigla kami dadaan tapos kami ung ipoposas, kami na mag babayad ng 5 pesos lang na bail namin, libre na ulit sa kiss “gago’ng marshal un ah parati na lang kayo parati na lang kayong dalawa ni balolong ung hinuhuli… kanina pa ko dito ah” - Batik
4pm Uwian na!... hinde ko nahagilap si Talla (*kaya dineclared na ni Adonis na M.I.A (Missing In Action) si Talla)
Masaya ang foundation day sa eskwelahan kaya’t hinde maiwasan ng binata ang mapangiti habang sinusulat ang bawat pangyayare ng panahon na iyon, ngunit sa isang banda biglang nagbago ang kanyang aura na pawang nabalisa at hinde mapalagay, parang may kulang sa kanyang kamalayan, at pawang may kumukurot na tanong sa kanyang kukote “asan kaya ung babaeng un?” habang tinititigan ng mainam ang sinulat nito sa kanyang notebook. Umaarangkada ang jeep gayun pa man patuloy ang pag jojoke ni balolong sa kanyang walang kamatayang “knock~knock”, ngunit hinde pansin ng binata ang katapat nitong kaibigan, tulala at wala sa sariling natatungatunga habang nakasabit ang isang kamay sa stribo ng jeep, … sabay “hays bahala na nga tsk!” pailing iling na sambit ng binata habang binabalik ang class schedule sa kanyang bag “TOL!!!! KNOCK-KNOCK!!!” pasigaw na sambit ni Balolong, “PUTANGNA! WALANG TAO DITO GAGO” pasigaw din na paganting salita ni Adonis. (*high-bloods?)
Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating ang dalawa sa kalsada na pawang nagbangaan, nagpaalaman, secret hand-shake, fist bumped, at nag hiwalay nga ng landas ang dalawa, gayun pa man pawang may kakaibang kutob ang binata sa pag pasok pa lang ng kanilang pulang gate *squeeeek (tunog ng binuksang gate), nagkahulan ang mga aso ni Aling Leah na kanilang kapitbahay ngunit hinde alintana ng binata ang kanyang pagpasok sa loob ng kanilang gate, at umabot sa tapat ng kanilang pintuan, hawak sa door knob at handa ng pumasok, “hays!... nakauwi na rin” sambit ng binata habang dahan-dahang inikot ang knob (*slowmo), hinde pa man tuluyang naiikot ng binata ang knob ng pinto ng may biglang nag bukas ng kanilang pinto at sa bilis ng at lakas ng pagkakahatak nito ay napasubsob si Igno sa pepper-matt nilang tiles “AyY!!! GAGO NAaaaAa! *whoops!... *SPLAG!.. Aray!” masyadong mabilis ang pangyayari, isang mabilis na pangyayari na hinde na mapagkaabalahan matignan ng binata kung sino ang nag bukas ng kanilang pintuan, “NANAY KO POoo!... aRrAaaay!!!...” sambit ng pobreng Igno na iniinda ang sakit at hilo’ng natamo nito sa pag kakabagsak nito sa kongkretong sahig ng kanilang bahay, “Argh!... Nay?... na…” muling samabit ng mahilo-hilo’ng binata, nakadapang umuusad na parang lumalangoy sa walang tubig na pool, at napakapit sa pawang satin na tela sa kanyang harapan, “Naaaa… nnnaa…y..y!... argh!...” paulit ulit na sambit ng naghihikahos na binata habang pilit nitong hinatak ang nahawakang tela upang maitayo ang kanyang sarile sa pagkakalapag *STrEeeetch… whZzziiiiiip! (*tunog ng napunit na tela) … kasabay ng pagkakapunit nito “YAayyyyY!!!...” isang makapunit pandinig na hiyaw ang gumising sa ulirat ng binata, kaya’t sa gulat nito ay tuluyan na ngang nahablot ang nahawakan nitong tela na tumabing sa mukha ni Igno at natakpan ang mukha nito na naging sanhi muli ng kanyang sumunod na pagkakasubsob, “NAKUP!... *swip… SPLAG!... Aray!”… kirot at hilo’ng hilo ang binata kaya’t ilang segundo munang pumirme sa padapang posisyon, ngunit gayun pa man ay muling pinilit nitong tumayo sa kaawaawang eksena “Aarruy…kooo” daing ng binata habang kinakapa-kapa ang ang paligid, ng napakapit sa mala-poste ngunit makinis na kung ano’ng nakatindig sa kanyang harapan, at biglang napaisip “Hindi paa ng lamesa to… malambot”… “hinde rin poste ng bahay… makinis… at balbon?...BALBON!!!” lalo pang nagulat ang binata sa kanyang kinakapakapa at gayun nga’y bahagyang inangat ni Adonis ang nakatabing na tela sa kanyang mukha “Hmmm… itim na high-heels…” *tingin pataas “binti na maputi!...” napatingin pa pataas ang binata, nanlaki na lamang ang mga mata nito ng napatitig sa bahagyang kahubaran ng katawang pambabae, hanggang umabot ang tingin nito sa namumula at pawang umuusok sa galit na mukha, “HUH?!... Talla?... hehehehe (*smug)” napangiting sambit ng binata, habang naka tingin sa naniningkit mata ni Talla, “heheheh… nandyan ka pala… hin…” muling sambit ni Igno, ngunit hinde pa man natatapos ang binata sa kanyang sasabihin ay isang mabilis na kamao ang sumalubong sa mukha nito “BASTOS!!!” *POW! *SPLAGAG! (*na first-blood ang Adonis), di na alam ng binata kung ano ang mga sumunod na pangyayari. (*tsk… kasi… )
“Adonnissss… Adooooniiiiisssss…” isang pamilyar na tinig ang gumising sa nakahimlay na ulirat ng binata “Adonniiiissss… gising na Adoniiisssss…” muling sambit ng malambing na tinig, “Gising na’ko” tugon ng binata sa mapanggising na tinig, habang pilit inaaninag ang wangis ng isang babae nababalot ng nakakasilaw na liwanag , (*B/M: Ale nasa langit na ba ako by: Richard Reynoso) at dahan dahang lumalapit ang naturang wangis hanggang sa tuluyan na nga’ng lumapit sa harapan ng binata ang isang pamilyar na babae “Ah… Auring?...” marahang sambit ni Adonis na pilit nito’ng inaaninag ang mala-anghel na mukha na nasa kanyang harapan, “Oo ako nga…” tugon ng malambing na boses, na ngayo’y malinaw na si Auring, “Iniwan mo’ko kanina…” malungkot na sambit ni Auring na may dumaloy na mala-kristal na luha sa kanyang mata, “Sorry Mahal… hinde ko sadya…” tugon naman ni Adonis habang pinupunasan ang luha sa mata ng dalaga “Nandito na ko Auring… hinde na kita iiwan…” muling sambit ng binata habang naka yakap ng mahigpit sa dalaga, “Pangako Adonis ang puso ko’y sa’yong- sayo magpakaylan man…” at dahan dahang nilapit ang mukha ng dalaga sa mukha ni Adonis, mata sa mata na nagkapalitan ng malalagkit na tingin, at marahan pang nagkalapit ang kanilang mukha hanggang magalubong ang kanilang mga ilong, “Akin ka lang Adonissss… akin ka laaaanggg…” sambit ni Auring na pawang hangin na bumubulong sa tenga ng binata, at muli pang nagkalapit ang mukha sa isa’t-isa, dama’ng-dama ng binata ang lamig na dulot ng hininga ni Auring Humaling, at lalo pang pinalipad ang ulirat ng binata ng humalimuyak ang bango’ng taglay nito, “Akinnn ka lang Adonisss…” isa nanama’ng malambing na tinig ang pumugnaw sa ulirat ng binata na nagbigay daan upang muling mapapikit ang binata, “Akin ka lang Addonisss… akin ka lang…”paulit ulit na katagang sambit ni Auring…. “Akin ka lang Adonisss…” ng bilang “AKIN KA LAAAAAANNGGG!!!... BWAHAHAHAHAH… BWAHHAHAHAA!!!!” bilang napamulat ang binata sa kanyang narinig, sa pag bukas ng kanyang mata ay napansin nitong sya ay talop na talop, walang saplot, at naka-posas na may pink na balahibo ang kanya’ng kamay at paa sa magkabilang poste ng kama, “AKIN KA LANG ADONISSSS… AKIN!!... AKIN!!!... BWAHAHAHAHAH!!!” (*B/M: Darth Vader’s Theme) malakas na sambit ng babaeng nakatago sa kadiliman “WAAAAAAAAAAHHH!... NANAY KO PO!!!” sigaw ni Adonis na pilit na mumakawala sa pagkaka posas, ngunit hinde talaga makalag ang sarile kaya “GISING IGNO… GISING!!!” paulit ulit na sambit ng binata, habang papalapit ng papalapit babae sa dilim, at biglang umapoy ang paligid ng silid at binunyag ang babae sa kadiliman na may hawak na latigo *WAAPAKKK (*tunog ng latigo’ng hinampas sa sahig) “HUH?...TALLA?!... (*B/M: Darth Vader’s Theme) WAAAAAAAAAHHH… HINDEEEEE” paulit ulit na sigaw ni Adonis, “AKIN KA LANG… BWAHAHHAHAAA…” … “WAAAAAAAH… HINDEEEEEEE… HHHINNNNDEEEE” … “HINDE!...” at nagising bigla si Adonis na pinagpawisan ng malamig “panginip lang pala gah!… gah!.. gah!…” habol hinigang sambit ng balisang Adonis, at naabutan nito ang inang si Aling Sarzi na inuusisa ang kanyang pahkakabalisa “anak … binabangungot ka” malambing na sambit ng Ina, habang hinahaplos ang likuran ng binata, “ang pangit ng panaginip ko nay… gah… gah… “ sumbong ng binata sa ina na pilit kinakalma sya “masyado ka lang napagod kanina… wag ka masyadong magpapagod, kasi kung hinde makikita mo ulit s’ya” sambit ng ina na pawang nagbababala, “huh?... sinong sya nay?...” patanong na sagot ni Igno na napaisip sa sinabe ng ina “EDI.. S’YA! BWAHAHAHHAAAA…” at biglang bumukas ang pinto at pumasok si Talla (*B/M: Darth Vader’s Theme) na may hawak na lanseta “AKIN KA LANG ADONIS… AKIN KA!!!... AKIN!!! BWAHAHHAHAHA!!!!” … “WAAAAAAAAAAAAH!!!... HINNNNDDEEEE!” at nagising muli ang binata balisang-balisa sa sofa kung san sya niluklok.
Hapon na ng nagising si Adonis sa mahabang pagkakahimlay ng mapansin nito si Talla na nasa kanyang tabi, naka lapat ang ulo nito sa kanyang balikat at mahimbing ang pagkakatulog, “argh!... phew!... kaya pala nagmamanhid ang balikat ko” daing ng binata sa kanyang sarile, at dahan dahang inayos ang pusisyon ng kanyang braso upang minsan pa ay dumaloy ang dugo sa kanyang serkulasyon, dala na rin ng kyuryosidad ay nabaling ang kanyang tingin sa dalaga na pawang nakatulog sa pagbabantay, pag hihintay sa kanyang pag gising, sa ganda ni Talla ay hinde maiwasang hinde titigan ng binata ang mala-anghel na mukha ng tulog na dilag, (*B/M: Gunita by: Sponge Cola)“Salamat” bulong ni Igno sa mahimbing na nakahimlay na Talla, at bahagyang inangat ang ulo ng dalaga upang mailapat sa braso ng binata, at ganun pa man ay gumanti ng mahigpit na yakap ang dalaga “sorry Adonis… sorry… wag moko iwan Adonis… wag” mahinang sambit ni Talla na pawang nagsasalita sa kanyang pag tulog na lalo pang humihigpit ang pagkakayakap sa binata, “shhhh… ok lang Talla… ok lang…” mahinang sagot naman ni Adonis habang hinahaplos ang buhok ng dilag, at marahan bumulong ng “nandito lang ako… hinde nawawala “, at naging mapayapa ang nakaka diabetes-eksena’ng hapon sa sala ng mga Mapagmahal, tahimik walang ingay ng… “SnoOooOrrk!!!” (*Scratch!) biglang napatingin si Adonis sa tulog na dalaga, “hala!... Talla?”